Page:Mga akdang pampanitikan sa tuluyan (JRNCC, 1961, pangmadlang palimbag).pdf/11

This page has been validated.



ginto at garing, ay nakikipaglaro sa walong PARALUMAN7, samantalang si MARTE, si BELONA, si ALCIDES at si MOMO ay pabilog na nakapaligid sa gayong katangi-tanging lipunan. Sa dakong likuran ni JUPITER at ni JUNO, ay naroroon sina HEBE at GANIMEDES. Sa dakong kanan ni JUPITER ay naroroon ang KATARUNGAN, na nakaupo sa kanyang trono, at hawak ang lahat ng kasangkapang nauukol sa kanyang kapangyarihang inaangkin.

UNANG TAGPO

Ang mga diyoses at mga diyosas at ang walong Paralumang nabanggit. Magsisirating na una-una ang Musa TERPSICORE* at pagkaraan ay ang mga NIMPAS, ang mga NAYADES at ang mga ONDINAS, na nangagsasayaw at nagsasabog ng mga bulaklak na sinasaliwan ng tugtugin sa lira ni APOLO at ni ERATO at ng plauta ni EUTERPE. Pagkaraan ng sayaw, ang lahat ay lalagay sa magkabilang panig ng tanghalan.

IKALAWANG TAGPO
(Silang lahat at si MERCURIO)8

(Darating si Mercurio, aalisin sa ulo ang kanyang malambot na sambalilo, at magsasalita:)

MERCURIO — Natupad ko na ang iyong mga iniutos, makapangyarihang Ama; si Neptuno9 at ang kanyang pulutong ay hindi makaparirito, sapagka't dahil sa kapusukan ngayon ng mga tao ay natatakot na baka mawala sa kanila ang kaharian ng mga

7 Ang Paralumang tinatawag sa wikang tagalog ay siyang mga Musas sa wikang kastila. Ang mga Paralumang ito'y siyam na magkakapatid sa Olimpo, na anak ni Jupiter kay Mnemosina, Diyosa ng Alaala at ang mga pangalan nila ay gaya ng sumusunod: Caliope, paraluman ng mga tulaing maka-bayani; Melpomene, paraluman ng mga pangyayaring madugo o kahambal-hambal; Talia, paraluman ng mga dula o palabas na pangkatatawanan; Euterpe, paraluman ng mga awit at ng mga tugtugin; Polimnia, paraluman ng sining ng panunula; Erato, paraluman ng tulaing maka-damdamin; Urania, paraluman ng karunungan sa astronomia; at Clio, paraluman ng kasaysayan.

* Terpsicore, paraluman ng sayaw. Ito ang bunso sa siyam na magkakapatid na babaing paraluman.

8 Si Mercurio ay utusang kapalagayang-loob ni Jupiter, may paniwala ang mga pagano na ang sapatos nito ay may pakpak kaya mabilis utusan saanman.

9 Neptuno, ito ang pinaniniwalaan ng mga paganong diyos ng karagatan.

2