yaon. Ang masalita at matapang na Kapitan Lucas ay hindi makaimik. Titikhim-tikhim, patingin-tingin, at tila mandin di makapangahas lumakad at magpaunang para nang dati. Ang sapantaha
ng nakapupuna ay takot siya ngayon at baka may ginawang kasalanan. Balita nga sa tapang at balitang lalaki si Kapitan Lucas
lalong lalo na kung ang kausap ay nasasaklawan at daig, nguni’t
kapag ang kaharap ay pare, kastila o alin mang may katungkulan,
ay bali na ang matigas na leeg, tungo ang malisik na tingin at
pabulong-bulong lamang ang masigawing boses.
Hindi nga makapangahas pumanhik si Kapitan Lucas' sa kumbento at baka mabulas ni P. Agaton. Tunay nga’t magaling ang kanyang panunuyo, walang kilos, walang ngiti, walang tingin ang pare na hindi niya nalilining dala ng pagkaibig maglingkod at nang makapagkapitang muli. Habang nagmimisa’y inusig ni Kap, Lucas ang sariling isip; sagana siya sa pamisa, magagaling ang libing, halik siyang palagi sa kamay ng among; kahapon lamang ay kinatuwaan pa siyang kinutusan ng pare at hinaplos sa batok dahil sa kanyang alay na dalawang kapong samsam sa isang tagabukid.
Sumaloob sa kanya na baka kaya nakararating sa tainga ng pare ang balitang siya’y nakabasa ng librong bawal, diaryo at iba’t iba pang may pangahas na isipan, at pinasukan ng _ takot. Nguni’t bakit doon magpapahalata ng galit sa misa? Baka kaya nakapagsumbong ang kanyang datihang katalo, ang mayamang si Kap. Tibong kapangagaw niya sa pagbabaras? Walang iba kundi ito, kaya nang kanyang sulyapan ay masaya ang mukha ni Kap. Tibo at tila uumis-umis pa. Pinangulangan nga, humiging sa kanyang tainga ang bulas na mabagsik, ang sigaw at mura. Nakinikinita niyang Kapitan na si Kap. Tibo at siya’y wala nang katungkulan; pinagpawisan ng malamig at tumingin ng mahinuhod sa upuan ng kanyang kaaway.
Malungkot ngang lubha nang matapos ang misa at lumabas siyang parang nananaginip. Nanulak sa pagsasagilsilan, sumawsaw-ng bendita at nagkurus nang wala sa loob, palibhasa’y malayo ang kanyang isipan. Nakaragdag pa ng kanyang takot ang mga usapan ng tao at ang mga kuru-kuro at akala sa ikinagagalit ng kura.
Para ng isang nadadala ng baha na walang makapitan si Kap, Lucas ay lumingap-lingap at humahanap ng abuloy. Kintal sa mukha ng lahat ang may libak na tawa, ang ngising masakit
112