Page:Mga akdang pampanitikan sa tuluyan (JRNCC, 1961, pangmadlang palimbag).pdf/123

This page has been proofread.

— Kayo ang hindi kukulangin ng sagot. . .

Dali-daling lumakad sila, tahak ang patyo at tungo sa kombento. Ang kaugalian ng dati’y pagkamisa, ang mga kaginoohan ay umaakyat sa kombentong ang daan ay sa sakristiya. Nguni’t binago ni P, Agaton ang ugaling ito. Sa kaibigan niyang matanghal ng lahat ang paggalang sa kanya ng bayan, ipinag-utos na lalabas muna ng simbahan at doon magdaraan sa patyo, hanay na mahinusay ang mga kaginoohan.

Lumakad na nga ang mga puno, nangunguna ang Kapitan, sa ‘kaliwa ang tenyente mayor, Tenyenteng Tato, sa kanan ang Juez de Paz na si Don Segundo. Magalang na nagsisitabi ang mga taong bayan, pugay ang takip sa ulo ng mga tagdbukid na napapatingin, puno ng takot at kababaan sa gayong mga karangalan. Tinunton nila ang malinis na lansangang, tuloy sa pintuan ng kombento. Tanim sa magkabilang tabi ang sari-saring halamang pang-aliw sa mata at pang-amoy ng balang nagdaraan. Ang mapupulang bulaklak ng gumamelang pinatitingkad ng madilim na murang dahon, salitan ng maliliit na sampagang naggapang sa lupa, nagkikislapan sa masayang sikat ng araw. Katabi ng walang kilos na kalachuche na hubad sa dahon at masagana sa bulaklak ay wawagawagayway ang adelpang taglay ang masamyong amoy; ang dilaw na haluan ng San Francisco, ang dahong mapula ng depaskuwa’y kalugud-lugod kung malasin sa .

Neguni’t ang lahat na ito’y hindi napupuna ng mga maginoo, sa pagtingin nila sa bintana ng kombentong paroroonan, Bukas na lahat ang mga dungawan, at tanaw sa daan ang loob na maaliwalas. Sapagka’t sa kaibigan ni P. Agatong ipatanghal ang pagpapahalik niya ng kamay ay pinabubuksan kung araw ng linggo ang lahat ng ‘bintanang lapat na palagi kung alangang araw. Kaya nga’t malimit pang lumapit siya sa bintana at doon umupo habang nagpapahalik, samantalang kunwari’y nagmamasid-masid sa mga dalagang lumalabas sa simbahan.

Natanawan nila sa malayo ang mahagway na tindig ng pare na palakad-lakad ng matulin, talikod-kamay at tila baga may malaking ikinagagalit. Pabalik-balik sa loob ng salas at minsan-minsang tumitingin sa daan, at nasisiglawan ang kintab ng taglay na salamin, Nang makita mandin ang pagdating ng mga maginoo’y tila natigilan, napahinto sa pagpapasiyal at lumapit at dumungaw. Ga-tumango ng tangong inip, at saka itinuon ang dalawang kamay sa babahan, Nagpugay agad si Kap. Lucas. Nagdumali ngang

114