Page:Mga akdang pampanitikan sa tuluyan (JRNCC, 1961, pangmadlang palimbag).pdf/125

This page has been proofread.

Nang makalabas na ay nag-isip-isip upanding pagsaulan ng loob, Nagpahid uli ng mukha at nang may masabi sa kanyang mga kasama’y nagwika:

— Napaano kaya si P. Agaton?

— Napaano kaya? — ang sagot ng tenyente mayor.

— Siyanga, napaano kaya! — ang tanong ng Juez de Paz. At nagtuloy silang lahat sa Tribunal.

Tunay nga’t hindi biru-biru lamang ang galit ni P. Agaton

Nang makamisa at matapos magalbot ang lahat na isinoot, nakyat sa kombentong dali-dali umupo at mag-aalmusal, at nang mapaso ng tsokolate ay inihagis sa kosinero ang tasa.

Si aleng Anday, na bagong kagagaling sa misa, at suot ang magagaling na hiyas ay sinagupa ng mura at sampal na kaunti nang nagkahulog-hulog. Kaya nga’t dali-daling nanaog at umuwi sa bahay. Walang makaalam sa buong kombento ng dahilang sukat ikagalit nk gura. Malamig pa ang ulo noong bago magmisa, umumis pa.sa sabing marami ang naipagbiling kandila, at kaya nga binigyan pa ng isang salapi ang sakristang mayor. Ano ang namalas habang nagmimisa na hindi niya minagaling? Puno ang simbahan ng tao; ang lalong magagandang dalaga’y nangagluhod na malapit sa altar at si Marcela’y bagaman malayo ay tanaw din ng tanaw sa malayo, katabi ni aleng Anday sa luhuran, Ang sakristan mayor ay walang sukat masabi.

Hindi man ugali ni P. Agaton ang daanan ng sumpong na para ng ibang pare. Karaniwa’y mahusay, masaya at matuwain, lalo na kung marami ang pamisa, magagaling ang libing at nasusunod ang lahat niyang utos. May sampung taon nang kura sa bayan ng Tulig; dumating na bata pa, dalawampu’t walo lamang ang tanda, at sa panahong ito’y nakasundo niyang totoo ang bayan.

Tunay at mainit nang kaunti ang ulo, magaling mamalo kapag nagagalit at may ilang mahirap, na ipinatapon sa malayo at ipinabilanggo nang taunan; nguni’t ang lahat nang ito’y maliliit na bahid kung matatabi sa mabubuti niyang kaugalian, Siya ang takbuhan ng tao sa bayan sa anumang kailangan sa kabesera; siya ang sinusuyo ng sinumang ibig magbaras o may usapin kayang ibig na ipanalo. Siya ang puno, siya ang tanggulan, siya halos ang kalasag ng bayan sa anomang marahas na pita ng ibang pinuno. Tunay

116