Page:Mga akdang pampanitikan sa tuluyan (JRNCC, 1961, pangmadlang palimbag).pdf/133

This page has been proofread.


pag-alaman kong ang mga anak ng tao’y tumatagal ng tatlo, apat o higit pang taon bago makapagsalita at makapagsaysay nang pautal-utal; kung kinakailangan pang kami’y mag-aral, kaming walang sapat na utak at pantanda, ay mamamatay na kami bago makapagpahayag ng isang nais. Samakatuwid ang kalikasang mapanangkilik at makatuwiran ay nagkaloob sa amin ng maraming bagay na ipinagkait sa inyo sa simula, bagaman pagkatapos ay inyong napagiging ganap at maayos sa isang anyong halos di mapaniwalaan,

Sinasalita nga namin ang aming wika, na marahil ay maraming kapintasan, datapuwa’t sadyang makahulugan naman. At samantalang kaming mga sisiw ay nag-iisip-isip kung sinu-sino kaya iyong mga nagkakatulog pa sa itaas, at abalang-abala sa mga panghuhula, ang aming ina’y nagsalita ng ganito:

— Mga anak: humigit-kumulang sa kalahating oras na dahil sa katutuka ko ay nabasag din ang balat na naglilingid sa inyo sa daigdig, kaya’t napakamusmos pa kayo upang makaunawa ng ilang bagay. Ang masasabi ko ngayon sa inyo’y kayo at ako mang ito ay pawang pag-aari ng isang taong nagpapakain sa atin at siya ring magpapasiya sa inyong buhay at sa akin man — at isang buntung-hininga ang pinapulas matapos ang mga_ huling salitang ito.

Hindi ko natatap na mabuti ang halaga ng buntung-hininga at sa udyok lamang ng pagkamausisa ay tinanong ko ang aking ina.

— Ano po ba iyong tinatawag ninyong tao?

— Anak ko, ang tao. . . tao, hintay ka, paano ko bang isasaysay sa iyo? Ah, ganito, ang tao’y isang manok na lalong ma- laki kaysa inyong lahat, napakamakapangyarihan at napakalakdas.

— Lalo pa bang malaki at lalo pang makapangyarihan kaysa inyo?

— Oo, malaking-malaki pa.

Kaming lahat ay paraparang nagulumihanan! Anu-anong mga hula ang aming ginawa at anu-anong mga haka-haka! Ano kaya iyong manok na lalong malaki at lalong makapangyarihan kaysa aking ina?

Nag-iisiprisip pa kami nang marinig namin ang isang malakas na tilaok, mataginting, mahaba, awit na tila nanggaling sa kaligayahan, kayabangan, pagmamataas at kahambugan.

124