Page:Mga akdang pampanitikan sa tuluyan (JRNCC, 1961, pangmadlang palimbag).pdf/136

This page has been proofread.

— E, ano pa po kundi ang Sangkapuluang Pilipinas!

— Aha! iyan pala ang bantog na Sangkalupaang Pilipinas. ang bansang pinagbubuhatan ng maraming . . . Datapuwa’t ang akala ko’y . . . Nguni’t sabihin mo nga sa akin: bakit nag-aangkin ng ngalang tunog kastila gayong alinsunod sa aking naririnig ang mga naninirahan doo’y hindi naman nagsasalita ng wikang iyan?

— lIya’y isa pang quid na hindi ko maunawa, Amang Walang Hanggan — ani Gabriel na tutoong nawili sa katagang quid noong siya’y nasa Pilipinas pa; — ang mga naninirahan sa mga pulong iya’y nasa ilalim ng kapangyarihan ng mga kastila!

— Nasa ilalim, Gabriel, nasa ilalim ba ang sabi mo? Nilikha kong malaya ang mga tao; ipinanganganak na malaya ang mga tao . . . pantay-pantay ang lahat ng-mga tao. . .!

—Iyan pa nga ang isang quid?

—Tumigil ka na sa ka-qui-quid-quid, Gabriel, at magpaliwanag ka nang lalong mahusay.

— Aba! Kung ipaliliwanag ko sa Inyong Maharlikang Kadiyusan ang mga bagay na nangyayari diyan sa ibaba, ay hindi tayo magkakaunawaan kahit na sa loob ng pitong araw .

—Datapuwa’t ipaliwanag mo man lamang sa akin, kung bakit gayong nilikha ko ang lupa para sa tao, para sa taong nagbubungkal niyaon, at gayong nilikha kong malaya at pantay-pantay ang lahat ng tao, ay kung bakit ang mga naninirahan sa mga pulong iyo’y namamanginoon sa mga kastila?

— Sapagka’t . . . isang taong tinatawag na Alejandro VI,! na sa ngalan ng Inyong Maharlikang Kadiyusan .

— Ano, ano, sa aking ngalan? Aba! — ang putol ng Amang Walang Hanggan na hindi na makapagpigil — sino ba ang Alejandro VI na iyan?

— A! iya’y isa pang quid . . . — ang itinugon ni Gabriel na hindi makalimot sa masama niyang nakagawian — iyang si Alejandro VI na naghahangad mamahala sa daigdig sa ngalan ng Inyong Maharlikang Kadiyusan, ay isang taong tampalasan na lumason sa marami, gumawa ng mga kahalayan sa anak niyang babae...



1 Ang ngalang ito'y ipinamagat sa isang daan sa purok ng Sampalok, Maynila. Ngayon ay pinalitan na ng pangalang Mariano de los Santos, pangulo ng “University of Manila’ na natatayo sa nasabing daan.

127