Page:Mga akdang pampanitikan sa tuluyan (JRNCC, 1961, pangmadlang palimbag).pdf/146

This page has been proofread.

— Siyanga, sila ang bahalang mag-ayos sa kanilang sarilil!

— Kanin nilang kasama ng kanilang tinapay!

— Manalangin sa Diyos na kasabay ng paggawa!

— Bawa’t bansa’y nagkakaroon ng kapalarang nararapat sa kanya.

— Ang mga naghahari-haria’y nabubuhay sapagka’t pinahihintulutan sila ng mga pinaghaharian!

— Ang sinumang pumapayag sa lahat ay nararapat magdusa.

Ito’t iba’t iba pang bagay ang sinasabi ng mga santo sa takot nilang paroon sa Pilipinas. Nang silang lahat ay mamalas na pawang umiiwas sa panganib, ay hindi malaman ng Amang Walang Hanggan kung ano ang gagawin.

— Datapuwa’t tingnan natin, alamin muna natin kung ano ang' nangyayari sa Pilipinas... Sino ba sa inyo ang nakaaalam? Walang sinuman? Lintik! nguni’t wala bang sinumang pilipino diyan. .

— Mayroon po, Amang Walang Hanggan, marami rin po — ang sagot ni San Juan na maydala ng mga talaan ng langit, nguni’t sila’y napakabihira at napaka...

— Kahit na, paparituhin sila, tayo na ang bahalang kumuha sa kanila ng kahit kaunting balita, Kinuha ko ang lahat ng bagay buhat sa wala!

— Mga pilipino, hoy! Mga pilipino. Kayong mga nakapanirahan sa Pilipinas! — ang pahayag ng mga anghel sa buong niluwang-luwang ng kalangitan.

III

Napansin ang isang di-karaniwang nagpapayao’t dito sa mga pulu-pulutong ng mga naninirahan sa kalangitan. Marami sa mga pilipino’y natutulog, nagtatago ang ilan dahil sa inaakala nilang sila’y kakapkapan, hihingan ng sedula ng pagkamamamayan, o pagagawin nang walang bayad sa mga gawaing bayan at iba pa, gaya ng pinagkahiratihan nila sa lupa. Ang mga anghelito, pagkakita sa kanila, ay nagkindatan at sila’y itinuturo, ang mga birhen ay nagpipigil ng ngiti, tinatakpan ang kanilang mukha ng pamaypay upang

137