This page has been validated.
VENUS - Ipagpatawad mo, kapatid ko, at asawa ng makapangyarihang si Hobe, kung hindi ako makasang-ayon sa kagalanggalang mong palagay. At ikaw, Jupiter, na walang nakakikita sa iyo kundi ang mga walang kamatayan lamang, makahiligan. mo nawa ang aking pamanhik. Ipinakikiusap ko sa iyo, na ang umawit sa aking anak na si Eneas23 ay huwag matalo ni Homero. Alalahanin mo na ang lira ni Virgilio24 ay siyang isinaliw sa awit niya tungkol sa ating mga tagumpay, at siyang parang naging bulong ng mga hinaing ng pag-ibig sa sawi; ang kanyang matatamis at malulungkot na tula ay siyang nakatitigatig sa kaluluwa: siya ang pumuri sa pagkaawa na sumakatawan ng anak ni Anchises: ang kanyang pakikidigma ay hindi nahuhuli sa ganda doon sa mga naganap sa paanan ng muog ng Troya. Si Eneas ay lalong dakila at maawain kaysa magagaliting si Akiles.25 Sa wakas, sa palagay ko'y lalong higit si Virgilio kaysa makata ng Chio.26 Hindi ba totoong siya ang tumutugon sa lahat ng mga katangiang ibinibiyaya ng iyong mahal na isipan?
(Pagkasabi nito, ay puspos ng pang-akit na humilig sa kanyang higaan, katulad ng isang magandang Ondina, na nakahilig sa mga mapuputing bula ng bughaw na mga alan, at siyang pinakamahalagang hiyas ng isang maganda at matulaingdagat-dagatan).
(Pagkasabi nito, ay puspos ng pang-akit na humilig sa kanyang higaan, katulad ng isang magandang Ondina, na nakahilig sa mga mapuputing bula ng bughaw na mga alan, at siyang pinakamahalagang hiyas ng isang maganda at matulaingdagat-dagatan).
JUNO (Pagalit) Ano? Ano't ang makatang romano ay siyang mapipili sa halip na isang griyego? Si Virgilio na manghuhuwad lamang ay hihigit pa ba kay Homero? Kailan pa nangyaring ang huwad ay naging lalong mabuti kaysa hinuwaran? Ah, magandang Venus! (Sa tinig na parang nagpapawalang-kabuluhan). Sa malas ko'y namamali ka, at hindi ko pinagtatakhan; sapagka't kung hindi rin lamang tungkol sa pag-ibig ang pag-uusapan, ay walang wawa ang iyong kaisipan; tangi sa ang puso at ang mga simbuyo ng damdamin, kailanma'y hindi nangatututong magmuni-muni. Huwag ka nang makialam sa usaping ito, ipinamamanhik ko sa iyo, sa ngalan ng dimabilang na minamahal mo . . .
23 Eneas, ito ang isa sa mga aklat ng bantog at paham na makatang latino (taga-Italia) na si Virgilio.
24 Si Virgilio, ito ang paham na makatang latino na may-akda ng Eneas at Eglogas.
25 Akiles, bayani ng aklat ni Homero.
26 Chio, bayan sa Gresiya; tagaroon si Homero.
6