Page:Mga akdang pampanitikan sa tuluyan (JRNCC, 1961, pangmadlang palimbag).pdf/151

This page has been proofread.


kukuha ko, Pinabahaan ko ang lupa ng mga “pastoral” na hindi binasa; umawit ako ng mga “Te Deum”, awit ng pasasalamat, sa paniniwalang natapos na ang mga lindol at ang mga lindo] ay nagsimula uli; binatbat ko ng mga indulhensiya ang mga hangal na aklat upang ang mga ito’y maging lalong kagalang-galang, at ang ‘baya’y lalo pang tumawa; nagpagawa ako ng mga sasakyang pandigma sa pamamagitan ng salapi ng bayan upang maipagsanggalang ang bansa laban sa mga di-binyagan at ang mga sasakyang pandigmang ito’y nasamsam ng mga di-binyagan at ang salapi’y hindi na nakita ninuman. Sa wakas ay pinaligaya ko ang Pilipinas, pinatawa ko siya, pinatawa’t pinatawa at hanggang ngayo’y tumatawa pa marahil.,

— Kung gayo’y hindi tunay ang karalitaang nakikita ko ... — Ano bang tunay!, hindi, Panginoon, doo’y walang karalitaan!

Noong ako’y mamatay ay nakapag-iwan ako sa bawa’t tagapagmana: dalawa o tatlo sa bawa’t bayang kinaroonan ko! Karalitaan aba, wala po niyan, Panginoon. Itanong ng inyong Maharlikang Kadiyusan sa lahat ng mga prayleng ito; nakikita ba ninyo kung gaano sila katataba at kapupula? Mangyari’y kararating lamang nila buhat sa Pilipinas; nakita na ng Inyong Maharlikang Kadiyusan na ang lahat doon ay kasaganaan!

— Humayo kayo! umalis kayo sa aking harap! — ang sigaw ng Amang Walang Hanggan nang mamalas ang -gayon kalaking kawalang-hiyaa’t kahangalan; umalis kayo, at baka pumutok ang aking galit at papagbalikin ko kayo sa lupa at gawing mga hayop na karumal-dumal!

Nagsiyaong nalilito ang mga pilipino; ang ilan ay malabis na nagdamdam, sa dahilang sa kanila’y may makapagsasaysay ng ilang bagay na matino at may kabuluhan tungkol sa Pilipinas. Datapuwa’t sa dahilang sila’y nasa dakong huli ay walang sinumang nakapag-akalang sila’y naroroon!

Pagkaraan ng ilang saglit na pagwawari-wari, ang Amang Walang Hanggan ay nagsalita, sa mabalasik na tinig, kay Hesus:

— Yamang sa iyong ngalan ay ginagawa roon sa lupa ang kapuot-poot na kawalang matuwid ay kinakailangang manaog ka, pag-aralan mo ang kasamaan at ipagbigay-alam mo sa akin kung ano ang nangyayari upang malunasan ko.

— Makikipiling akong muli sa mga pariseo? — ang tanong ni Hesus na namutla.

142