Page:Mga akdang pampanitikan sa tuluyan (JRNCC, 1961, pangmadlang palimbag).pdf/173

This page has been proofread.


likong napipilitan nilang iguhit, at sa ganito'y nagdudulat ng na-
pakalaking panganib sa mga maliliit na sasakyan, kaya't iginaga-
lang ng mga mamamayan at nag-iiwan doon ng mga alay sa diwang
ipinalalagay nilang tumitira sa malaking batong iyon.

Ang taong pumili ng kasukalan sa maaliwalas na landas na ini-
hahandog ng daan, kung mamalasin ay tila buhat sa malayo, isang
lalaking nasa kalakasan ng kanyang gulang; napakatatag ng pag-
hakbang at napakalakas ng bisig, na upang huwag ibaluktot at iyuko
ang ulo, ay hinahawi at binabali ang lalong makapal na sangang
nakahahadlang sa kanyang daraanan, na parang bumabali ng mga
sanga lamang ng sampaga. Gayunman, kung mamalasin nang ma-
tandang may pitumpu hanggang pitumpu't limang taong gulang na,
matangkad at tuwid ang tindig, buhay at malalalim ang mga mata,
mukhang mainam ang bukas at matigas.

Ang damit na suot ay katulad ng ginagamit ng mga mamamayan
sa Luson, may isang panyong nakapugong sa paligid ng ulo, at
binabayaang nakalaylay sa mga balikat niya, sa gitna ng makapal
at mahabang puting buhok ang dalawang dulo ng kanyang napaka-
ganda ang pagkakaburda. Ang pugong, gaya ng maikling baro at
mahal na balabal na bumabalot sa kanya buhat sa baywang hang
gang sa tuhod at pinaraan sa pagitan ng mga binti at maraming
magagandang lupi, ay yari sa sedang itim na may guhit na ginto.
Ang mga hiyas niya ay kadena, pulseras, mga hikaw at mga sin-
sing na yari sa ginto't mahahalagang bato; at sa lahat, maging sa
kanyang ayos at sa kanyang paglakad ay makikilalang isa sa mga
labi ng dating kamaginoohang tagalog, na unti-unting nawawala
at tumatakas sa malalayong sulok ng mga lalawigan.

Ang matanda'y walang sandatang dala; matagal nang pana-
hong ipinagbawal ang paggamit niyaon sa mga Pilipino, at sa mga
mangangahoy at magbubukid lamang ipinahihintulot, gaya ngayon,
ang pagdadala ng isang mapurol na gulok o ng isang itak na maikli
ang talim at mahaba ang puluhan.

Pagkaraan ng ilang paghihirap ay dumating din siya sa ituk-
tok, na ang layo sa dulo ng batong-buhay ay mga dalawampung
hakbang, at doo'y bumulaga sa mga mata niya ang isang malung-
kot na panoorin. Yao'y isang abang libing, kung ang pagbabata-
yan ay ang apat o limang taong nakikipaglibing, na halos hubad
at gulanit ang pananamit, at ang abang kalandra o langkayan ay
yari sa kawayang kinaroroonan ng isang abang banig na kinababa-
lutan ng bangkay ng isang taong may apatnapu o apatnapu't li-
mang taon.

164