Page:Mga akdang pampanitikan sa tuluyan (JRNCC, 1961, pangmadlang palimbag).pdf/174

This page has been proofread.

Sa mga naroroon ay nakatatawag ng pansin at tunay na na-
mumukod ang isang batang lalaking ang suot ay kalahating pili-
pino at kalahating kastila, sa liig ay may isang rosariyong bilang
tanda ng pagkakristiyano niya, at isang matandang lalaki, na ang
bihis ay katulad ng bihis ng mga naninirahan sa Terrenate o Ter-
nate,³ salawal na putot, maluwang na baro at may pamigkis sa bay-
wang. Hindi inalis ng batang lalaki ang pugong, nakatindig siya
at tila nakipaglibing dahil lamang sa pananabik at hindi sa pag-
mamahal, samantalang ang matandang lalaki'y nakalupasay sa lupa,
nakasubsob sa dako ng bangkay sa isang ayos na tunay na nanlulu-
paypay, nagsasalitang ang tinig ay nanginginig at iisang himig na
parang inaabot ng malaking pagkahibang.

Ang ibang mga kasama, na parang mga taong bukid, ay halos
hubad at nangakatayong tila hindi nababagabag.

Ang pagdating ng matandang nakasuot ng luksa, ay nakatawag
ng pansin ng lahat, tangi sa taong nakabihis ng ayon sa pinagka-
gawian sa Ternate, na nagpatuloy sa pagsasaad ng mga pariralang
walang kaugnayan at hindi iniaalis ang mga mata sa mukha ng
bangkay.

Ang kararating, na hindi nakapansin sa damdaming ibinunga
ng pagsipot niya, ay nagpugay, nag-alis ng pugong at nagtungo ng
ulong natatakpan ng malagong buhok na puti, at nag-anyong nag-
ninilay-nilay.

Ang kilos na ito'y waring ipinamumukha sa binatang kristiya-
nong naroroon, na nag-alis din ng takip sa ulo bagaman hindi na-
wawalay ang anyong nananabik.

Ang bangkay na iyon ay kay Prinsipe Tagulima, anak at ta-
gapagmana ni Zaide, Sultan ng Ternate, na kasama ng mga pangu-
nahing kachiles ay dinalang mga bilanggo sa Maynila noong 1606,
sa pananalig sa mga pangako ng mga hesuwita at sa baligtaring
pahintulot na ipinadala sa kanya ng Gubernador Pedro de Acuña.
Nalimot ni Acuña ang kagandahang-loob at ang katarungan at ang
tanging nagunita'y dapat na makuha ang isa sa lalong mayayamang
pulo sa mga pinanggagalingan ng mga sangkap na pampasarap ng
luto, at makamkam yaon sa pamamagitan ng pagbihag sa angkan
ng hari.


______

3 Ito'y isang pulo sa Molukas.

165