Page:Mga akdang pampanitikan sa tuluyan (JRNCC, 1961, pangmadlang palimbag).pdf/179

This page has been proofread.

—Wala po niyan, Padre.

—Ano bang wala? Sino ang matandang lalaking ito?

Ipinaliwanag, nang magkagayon, ng binata na doo'y walang
ibang ginawa maliban sa paglilibing ng isang bangkay ng isang
taong sinasabing si Prinsipe Tagulima.

Sinuri ng misyonero ang libingan, na sa tabi'y patuloy na na-
kaupo ang matandang Kachil, hindi tumitinag na para bagang wa-
lang anumang nangyayari sa piling niya.

Ang misyonero, sa gayon, upang maipakilala ang katotohanan
ng kanyang kabutihang Kristiyano at ang katapangan ng kanyang
pananampalataya sa mga matang di-binyagan ay nagsimulang ku-
malkal, sa pamamagitan ng paa, ng sariwang libingang kanyang ni-
yurakan at taglay ang paglibak na isinabog ang lupa.

Itinaas ng matandang Kachil ang kanyang ulo, isang mabangis.
na anyo ang nagpangunot sa pagmumukha niya, sa mga mata'y nu-
ngaw ang mga lintik, tumindig at dumaluhong sa binatang nobisyo.
upang ito'y sakalin. Napasigaw ang misyonero.

Sandali silang naglaban. Kapuwa nagumon sa lupa. Sa gayon,
ang binata'y nagtangkang mamagitan upang ipagtanggol ang pari,
datapuwa't ang gayo'y wala nang kabuluhan; ginamit ng matan-
dang Kachil sa paglalabang iyon ang lahat ng nalalabi niyang la-
kas. Ang paring bata ay nakaramdam na nanghihina ang mga
bisig ng kaaway, umigtad siya upang makakawala sa mga iyon,
nagbangon at buong panghihilakbot na namalas niyang sa kanyang
paanan ay may isang bangkay na dilat ang mga mata at nakatikom
ng mga daliri.

Nagkurus siya at tumatakbong lumayo sa pook na iyon, na
ipinalalagay niyang sinumpa. Sinundan siya ng binata.

Sa sandaling iyon ay nagkukubli na ang araw at nagsisimu-
lang pumatak ang ulan.

Kinagabihan, sa kolehiyo ng Nobisiyado ay ipinaliliwanag ang
pangyayari sa isang paraang makababalaghan. Ang paring si
Pedro de S. . . ay nakasumpong sa ingkantadong batong-buhay
ng Malapad na Bato ng mga di-binyagang sumasamba kay Sa-
tanas. Ang demonyong humarap sa kanya na nag-anyong isang

170