malalaman. Ang daigdig noon ay parang nilusob ng isang wari'y kabaliwan, na lalo pang malungkot at nakagigimbal, sa dahilang ikinakalat ng mga walang tutong panulat ng mga isipang nilalagnat; sa lahat ng dako'y kumakalat ang masamang panlasa at walang kinahuhumalingan kundi ang walang kabuluhang mga babasahing nakasisira, nang sa walang anu-ano'y
sumikat iyang napakakinang na liwanag na siyang humawi sa
karimlan ng kaisipan: at katulad ng pagtakas ng mga ibong
matakutin, pagkakita sa mamamaril, o kaya'y pagkarinig sa
haginit ng isang palaso, ay gayon din ang nangyaring pagkapawi ng mga kamalian, ng masamang panlasa o hilig at ng
mga balighong pananalig, na pawang nangabaon sa gabi ng
paglimot. At kung totoo mang ang taga-awit ng Ilion, sa pamamagitan ng kanyang matataginting na tula, ay siyang unang
nakapagbukas ng templo ng mga paraluman, at nagdiwang sa
kabayanihan ng mga tao at ng karunungan ng mga walang
kamatayan; na ang sisne ng Mantua ang nagpuri sa kabaitan
ng nagligtas sa mga diyoses sa sunog sa kanyang bayan, at
nagtakwil ng kaligayahang alay ni VENUS, upang sumunod
sa iyong niloloob; (ikaw na siyang pinakadakila sa tanang mga
diyoses), at ang lalong pihikang damdamin ay bumukal sa kanyang kudyapi at ang kanyang malungkuting salamisim ay siyang naghahatid sa pag-iisip sa ibang dako; ay totoo rin naman
na sinuman sa dalawang nasabi ay hindi nakapagpabuti sa mga
kaugalian ng kanilang panahon, na gaya ng ginawa ni Cervantes. Sa kanyang pagsilang, ang katotohanan ay muling nupo
sa kanyang likmuan, at ibinabala ang isang bagong Panahon
sa daigdig, na noon ay nalulong sa kasamaan. Kung ang itatanong ninyo sa akin ay ang kanyang mga kagandahan, bagama't nakikilala, ko ay ipadadala ko kayo kay APOLO, tanging
hukom sa bagay na ito, at itanong ninyo sa kanya kung ang
may-akda ng Quijote ay nagsunog ng kamanyang sa kanyang
walang kamatayang dambana.
9