Page:Mga akdang pampanitikan sa tuluyan (JRNCC, 1961, pangmadlang palimbag).pdf/195

This page has been proofread.

—Pinilit siya ng Arsobispo na pakasalan iyon o kaya'y ipag-
bili sa iba; ninais niyang pakasalan, datapuwa't minabuti ng aliping
babae, na hindi na makatiis sa kanya, na siya'y ipagbili kaysa pa-
kasal sa dating nananakit sa kanya.

—Eh ano? Ano ang nangyari?

—Natagpuan ang aliping babae ng artilyero kaninang hapon
sa daang real ng palasyo at pinatay siya sa saksak.

Nanginig si Maligaya.

—At pagkatapos, ang artilyero'y nagtago sa simbahan namin
upang makaligtas sa katarungan. Nababatid ninyo na sa mga
kristiyano, ang salaring nagkasala ng lalong mabigat na kasalanan,
minsang makapagtago sa simbahan ay hindi na siya maaabot ng
katarungan. Sa dahilang iyan, maraming pumipili sa mga paligid-
ligid ng mga simbahan upang gumawa ng kasalanan at sinasabing
ang artilyerong ito ay pumili sa simbahan namin para sa paggawa
ng kasalanan iyon. Walang bagay na lalo pang banal kaysa sa
isang simbahan, at ang simbahan ng San Agustin ay isa sa lalong
banal, gayong sinasabing ang pook na kinatatayuan ng simbahan
ay pinag-aalagaan ng mga baboy ng aking mga magulang, sa da-
hilang ang bahay namin ay dating nakatayo sa pook na kinaroro-
onan ngayon ng sakristiya.

At nagbuntung-hininga si Martin at ngumiti.

—At bakit sinasabi mong siya'y bibitayin kung ang simbahan
ay banal.

—Iyan nga ang dahilan ng alingasngas, kaya ginabi ako ng
pagparito. Ang Gubernador, na ayon sa mga pari, ay bahagya
lamang ang pagka-kristiyano sanhi sa nahawa sa mga kasamaan
ng mga erehe są Flandes, bansa ng mga kaaway na olandes, ay
nag-utos na kubkubin ang kumbento at simbahan nang walang pa-
hihintulutang makalabas; sa palagay ng mga pari ang utos na
iyon ay hindi lamang isang kawalang pitagan kundi isang mali-
wanag na katampalasanan laban sa Diyos.

—At ano ang nangyari?

—Na ako'y hindi makalabas. Nang una'y nagtangkang luma-
ban ang mga pari at hindi nawalan ng nagmungkahing ipagtang
gol, sa pamamagitan ng sandata, ang mga pinto, at sinasabi pa
nilang hindi mangangahas ang mga kawal na salangin man lamang

186