Page:Mga akdang pampanitikan sa tuluyan (JRNCC, 1961, pangmadlang palimbag).pdf/197

This page has been proofread.


kung gabi o kaya'y napatitigil iyon, gaya ni San Jose na nagpa-
tigil sa araw nang tatlong araw at tatlong gabi, ayon sa sinasay-
say ng Uldog na Pransiskano.

—Kung gayo'y ibang-iba ang dating Arsobispo ang pakli
ni Maligaya. Nakita namin siya nang araw ding dumating kaming
buhat sa Los Banyos: siya'y nakikipagprusisyong nakayapak, nasa-
sabugan ng abo ang ulo at may isang lubid na nakatali sa liig; na-
hahawig siya sa matandang lasing sa Bay na pinarusahan ng Kura,
na lumakad sa gayong anyo dahil sa pumasok sa simbahan nang
hindi nag-alis ng pugong sa ulo.

—Sapagka't hindi pinarusahan ninuman ng Arsobispo kundi
kusang loob niyang ginawa iyon, upang matuklasan ang nagnakaw
ng Santisimo.

—Upang matuklasan ang magnanakaw: kakatuwang paraan.
Ang kura sa Bay, gaya rin ng enkomendero, kapag sila'y nina-
kawan, ang mga magnanakaw ay hinahanap nila sa pamamagitan
ng hagupit at pagpalo sa mga utusan at mga alipin at ng hindi
pagbibigay sa kanila ng pagkain; totoong kakatwa ang mga kastila!
At sabihin mo nga, natuklasan ba ang magnanakaw?

—Hindi —ang tugon ni Martin na nagsikap na mag-anyong
nalulungkot hindi natamo iyon ng banal na arsobispo, datapuwa't
ikamamatay ko sa lungkot ang paggunitang ninakaw nila ang Diyos,
bagay na isang malaking kapahamakan.

—Datapuwa't maaari bang manakaw ang Diyos ng mga kris-
tiyano?

—Mangyari pa —ang tugon ni Martin —iyan nga ang ka-
dahilanan ng relihiyon namin; ang isang maliit na bahagi ng tina-
pay ay maaaring gawin naming tutoong Diyos na may katawan,
kaluluwa at dugo, ang Diyos na nakapangyayari sa lahat na lumik-
ha ng mga langit, ng lupa at ng lahat ng namamalas mo ...

Natilihan at nag-isip si Maligaya.

—At kung ipinagbili ang Diyos na ninakaw upang ito'y ga-
wing alipin? ang tanong niyang lubos na nananabik.

—Iyan nga ang ikinatatakot ng arsobispo, na baka ipinagbili
sa mga insik, mga moro o di-binyagan, na nalalaman ninyong mga
kaaway ng Diyos namin; at iyan ang dahilang ikinahahapis niyang
tutoo. Ang mga aklat ay tumutukoy sa isang babaing nakinabang
upang ipagbili ang Diyos sa isang hudiyo, na sa dahilang ito'y isang

188