Page:Mga akdang pampanitikan sa tuluyan (JRNCC, 1961, pangmadlang palimbag).pdf/198

This page has been proofread.


kaaway, ang Diyos ay inilagay niya sa kumukulong langis, datap-
wa't ang Diyos, na nag-anyong isang napakakaakit-akit na bata ay
tumalun-talon at hindi nasunog. Ito ang ikinatatakot na mangyari
ng arsobispo. Datapuwa't tila ayon sa ikinumpisal ng magnana-
kaw pagkatapos, sa isang pari, ang Diyos ay ipinakain sa isang
sanggol, na ang gulang ay dalawang buwan, at ang ipinagbili la-
mang ay ang mga bato at ang ginto, bagay na kung hindi nala-
man ng arsobispo ay namatay siya disin sa pagdaramdam.

Si Maligaya'y nag-iisip-isip.

—Sabihin mo sa akin, Martin, sumusunod ba ang mga kastila
sa lahat ng ninanasa ng Diyos nila.

—Sumusunod sa kanya ang mga mababait, datapuwa't ang ma-
sasama ay hindi.

Natigil pang sandali, at sa wakas, si Maligaya, na parang na-
kabuo na ng pasiya, ay nagsabi kay Martin.

—Martin hihingi ako sa iyo ng isang utang na loob.

—Mag-utos ka.

—Dalhin mo sa akin, isang araw, ang Diyos mo. Tumingala
si Martin.
Huwag kang matakot, ang sabi niyang nakangiti, hindi ko
siya gagawan ng anuman, ipaghahanda ko siya ng mga bulaklak,
pulot-pukyutan at isang kahong yari sa sutlang may pabango. Tu-
tugtugan ko siya ng mga sonata kong lalong magaganda.

Nagkurus si Martin at tuminging nahihintakutan kay Maligaya
sa pag-aakalang hindi iyon ang Maligayang madalas makipag-usap
sa kanya, kundi ang demonyong nagbihis ng kanyang anyo upang
siya'y tuksuhin, at dahil dito, sa pagkagunita sa madalas na sabihin
sa kanya ng mga prayle, ay gumawa sa pamamagitan ng mga da-
liring tanda ng kurus at iniharap kay Maligaya.

Datapuwa't sinusubaybayan siya ng tingin ng dalagang may
mga matang parang natatanong kung ano ang kahulugan ng lahat
ng iyon. Nang makapaniwala si Martin na si Maligaya ay hindi
demonyo, ang nangingibig ng isang bulag na pag-ibig sa dalaga'y
muling matahimik na unti-unti at hindi malaman ang isasagot; at
pahihinuhod na sana sa pananalig sa mga pangako at sa mabuting
kalooban ng dalagang walang kayang gumawa ng anumang kasala-
nan at walang ibang kapintasan liban sa hindi pagiging kristiyano

189