Page:Mga akdang pampanitikan sa tuluyan (JRNCC, 1961, pangmadlang palimbag).pdf/202

This page has been proofread.


yong Kadakilaan ang katuusang maaaring hingin sa inyo ng Ka-
maharlikaan ng Diyos dahil sa pagkakapabaya ninyo sa mga kara-
patan niya; isaalang-alang ng Inyong Kadakilaan, hindi sa iyo,
kundi sa akin; sinabi ng Diyos kay Samuel, hindi sa Tao kundi sa
Diyos nauukol ang pag-alimura.

Ang Arsobispo na kinilabutan, dahil sa talumpating ito ay nag-
yuko ng ulo at nagdaop ng mga kamay sa anyong nagmamakaawa.

— Ano ang nararapat kong gawin? -ang hibik ng butihing
arsobispo.

— Iyong sinasabi namin sa inyo, ang tugon ng Probisor na
sumuntok sa mesa nararapat hinging, nang buong lakas ng In-
yong Kadakilaan sa Gubernador na ipabalik nito ang bilanggo sa
pinagtaguan, sa ilalim ng parusang eskomunyon latae sentenciae,
(naigawad na) gumawa ng pagsisisi at magpahayag....

— Datapuwa't hindi ba ninyo namamalas ang sagot ng ar-
sobispo -na hindi gagawin ng gubernador ang anumang sabihin
sa kanya, na walang halaga sa kanya, ang mga pagbabala?

— Tutoo, kung ang mga bala ay hindi tinutupad!

— Ano, mangangahas ba siyang sumalansang sa mga lintik ng
Iglesiya?

— Hindi niya kinatatakutan ang mga iyon -sabi ng arso-
bispo -sapagka't nasa kanyang panig ang mga hesuwita na ku-
mampi sa atin, tumulong sa iglesiya. Ang Inyong Kadakilaan ang
siyang arsobispo at may mga sapat kayong kapangyarihan upang
sila'y pilitin.

-Ang mga hesuwita ay dapat gumawa ng ginagawa ng apat
na Korporasyon ng mga prayle ang dugtong ng Probinsiyal -
hindi sila makapangangahas kailanman na kumalaban sa atin.

Ang abang matanda'y umiling.

— Walang kinatatakutan ang mga hesuwita; hindi ba't sila'y
tumuligsa sa lahat hinggil sa suliranin ng bilangguan sa Sambu-
wanga? Ano ang napala ng mga prayle sa pagbaka sa kanila, ano
ang nagawa nila sa pagsira sa tungkuling iyon, sa pagsusulsol sa
di kasiyahan ng mga indiyong ang buwis ay dinagdagan upang
matustusan ang nabanggit na bilangguan? Wala, patuloy, ang bi-
langguan, sa mga kaaway nila! ah! ang mga hesuwita ay mga tuso.

93