Page:Mga akdang pampanitikan sa tuluyan (JRNCC, 1961, pangmadlang palimbag).pdf/203

This page has been proofread.

Nangagat-labi ang Probinsiyal at tumadyak sa sahig ang Pro-
bisor.

— Datapuwa't tingnan natin, Kadaki-dakilang Ginoo ang
sabi ng agustinong nagsikap na magpigil tungkulin ng Inyong
Kadakilaang ipagtanggol ang inyong pangkatin bilang isang buti-
hing pastol, tutoo o hindi?

— Mangyari pang iya'y aking tungkulin ang tugon ng sawim-
palad na Arsobispo.
Ang banal na orden ng mga Agustino, na kayo'y anak na
itinuturing, ay isang haligi ng iglesiya, ang pinakamatibay na ha-
ligi, totoo ba o hindi?

— Gayon ang pagkaalam ng lahat.

— Maaari bang ang gusali ng Kakristiyanuhan ay manatili
nang walang panganib kung ang pinakamatibay na haligi niya'y ga-
gawin ninyong mabuhay sa mga hampas ng kaaway na nakasisira,
oo o hindi?

— Datapuwa't ano ang tinutungo, Pari Probinsiyal, ng lahat.
ng tanong na iyan? - ang tanong ng arsobispo sa himig na pagtutol.
Ako ang siyang kauna-unahang kumikilala sa mataas na katuturan
ng ating orden at harinawang hindi ko nilisan kailanman ang ka-
tahimikan ng klaustro. Napakasaya noon ng aking buhay...

At pinahid ng likod ng kamay ang isang patak na luha.

— Kung gayon -ang dugtong ng hindi mapalubay na Pro-
binsiyal nararapat ninyong ipagtanggol nang buong lakas ang
kaligtasan ng kublihan, hindi lamang bilang kublihang makasimba-
han, kundi bilang kublihan ng inyong kumbento.

— Datapuwa't hindi ba makakatagpo ang kahinahunan ng ibang
paraan ng paglutas?

— Kapag ang natataya ay ang pagtatanggol sa isang karapa-
tan, ay kinakailangang humanap ng mga salitang kaagpang, Ka-
daki-dakilang Ginoo; ang Diyos na siyang katotohanan ay nararapat
magtanggol ng mga karapatan niya nang walang makalupang pag-
papakundangan. Una muna ang mga karapatan ng Diyos at pag-
katapos ay magulo na ang daigdig!

— Datapuwa't isaalang-alang ninyong si Don Sebastian ay isang
kusang-loob.

194