Page:Mga akdang pampanitikan sa tuluyan (JRNCC, 1961, pangmadlang palimbag).pdf/204

This page has been proofread.

— Kung gayo'y higit tayo! At tingnan natin kung sino ang
makapananaig sa atin. Siya'y hindi maaaring tumigil dito nang
hihigit sa siyam na taon; samantalang ang Inyong Kadakilaan ay
mananatili rito habang buhay, at kami, ang mga korporasyon ng
mga prayle, ay magpasawalang-hanggan. Kung si Ginoong Sebas-
tian Hurtado de Corcuera ay isang dakilang pulitiko, gaya ng ipi-
nangangalandakan niya, ay magsisikap siyang huwag magkaroon ng
anumang pakikipagkaalitan sa atin, sa dahilang dito'y maaaring
mawala ang buong kabantugan niya. Wala, Kadakidakilang Ginoo,
sa mga suliraning ito ay kailangang magpamalas ng katiningan ng
loob, sa dahilang ang magpakilalang sumusuko ay nararapat maka-
batid na hindi na niya mababawi kailanman ang lupang nawala.
Samakatuwid ay nararapat hingin ng Inyong Kadakilaang isauli
sa ating ang bilanggo sa ilalim ng parusang latae sententiae (naiga-
wad na) gaya ng ipinapayo ni Ginoong Purrier, upang pasiyahan ng
hukumang makasimbahan ang pangyayari, bilang isang usaping sim-
bahan at pagkatapos, siya'y isasauli o hindi sang-ayon sa inaakala
ninyong marapat, datapuwa't ang kailangang mamalas ng buong
daigdig ay nararapat igalang ang pinakamaliit na karapatang tina-
tamasa ng mga prayle. Ganyan ang gawin ninyo, Kadaki-dakilang
Ginoo, at umasa kayong kami'y lagi nang sasa-inyong panig at ka-
kampi sa inyo sa lahat ng bagay; sa kabilang dako, kapag namalas
ng mga prayleng sila'y pinababayaan ng Obispo nila sa paghabol
sa mga karapatan nila, sino ang nakaaalam kung pagkatapos ay
pababayaan din ng mga relihiyoso ang Obispo nila? Nalalaman ng
Inyong Kadakilaang may mga pagkakasamaan ng loob na namama-
gitan sa Inyong Kadakilaan at sa gubernador, at kinakailangang
siya'y magkaroon ng mga kakampi, at sa dahilang tila nanghaha-
mon ang kaaway ay dapat sagutin siya nang may pagmamataas
upang huwag tumapang.

Ang mga huling pagmamatuwid na ito, ay nakapagpaisip-isip
sa arsobispo, na ang tanging naisagot ay isang buntong-hininga.

— At huwag limutin, tangi sa rito, ng Inyong Kadakilaan, na
nararapat iligtas ang Francisco Navang iyan sa kamatayan ang
tikis na dugtong ng Probisor na nakatatalos ng kahinaan ng Arso-
bispo -sapagka't ang Inyong Kadakilaan ang dahilan halos ng
kapahamakan at kasalanan niya.

— Bakit? — ang tanong ng Arsobispong kinilabutan.

— Sa dahilang ang Inyong Kadakilaan ang siyang pumilit na
siya'y humiwalay sa babaing iyon.

195