Page:Mga akdang pampanitikan sa tuluyan (JRNCC, 1961, pangmadlang palimbag).pdf/25

This page has been proofread.


lawa, ng mga talon ng tubig at ng mga ilog, at panginginigin ang malinaw na ibabaw ng mga bukal sa pamamagitan ng iba't iba nilang laro.

(Magsisipagsayaw ang mga Paraluman, ang mga Nimpas, ang Nayades at iba pa, gayon din sina BAKO, MOMO, SILENO at GANIMEDES, na ang pinakatampok na mananayaw ay ang Paralumang si TERPSIKORE; si APOLO at si ERATO ay tutugtog ng kudyapi, si EUTERPE naman ay ng plauta; si KLIO ay ng Tambuli, at si KALIOPE ay ng matunog na korneta. Samantala ang mga diyoses at ang mga diyosas ay mangagsisitabi sa magkabilang panig ng dulaan, at ang kanilang mga luklukan at mga trono ay ililipat din naman sa isang panig; tutugtugin ang “Marcha Filipina". Mabubuksan ang isang pangalawang tabing sa kalagitnaang dakong loob, at makikita sa gitnang-gitna, natatanglawan ng mga ilaw na hindi pangkaraniwan, ang isang busto ni CERVANTES, at sa dakong kaliwa niya ay makikita ang isang estatuwa ng buong katawan ni Rizal na nagpuputong ng korona kay CERVANTES. Sa gayon ay hahalinhan ang "Marcha Filipina" ng "Marcha Real Española")

T A B I N G






16