Hindi. Hindi pa nasasaid ang mayamang mina ng puso; sagana pa
tuwina ang kanyang alaala, at bahagya man ang pagkakapukaw
ng kanyang alaala, at bahagya man ang pagkakapukaw ng ating
kalooban, ay makakasumpong tayo sa kaibuturan ng ating kaluluwa
ng kung di man isang masaganang kayamanan, ay abuloy na bagaman dahop ay puspos naman ng kasiglahan. Katulad ng mga matatandang ebreong nangag-alay sa templo ng mga kauna-unahang
bunga ng kanilang pag-ibig, tayong nangingibang lupain ay nag-uukol ng mga kauna-unahang tinig sa ating Inang-Bayang nababalot ng mga panginorin at mga ulap ng umaga, lagi nang maganda
at matulain, at sa tuwi-tuwina'y lalong sinasamba habang sa kanya'y nawawalay at nalalayo.
At ito'y hindi nararapat pagtakhan sa dahilang ang pag-ibig sa inang-baya'y isang damdaming tunay na katutubo; sapagka't naroroon ang mga kauna-unahang alaala ng kamusmusan, isang masamang tulang awitin na ang kabataan lamang ang nakakikilala at sa mga bakas nito'y sumisibol ang bulaklak ng kawalang-malay at ng kaligayahan; sapagka't doo'y nahihimbing ang buong nakaraan at nababanaagan ang isang hinaharap; sapagka't sa kanyang mga kagubatan at sa kanyang mga kaparangan, sa bawa't punung-kahoy, sa bawa't halaman, sa bawa't bulaklak, ay nakikita ninyong, nakaukit ang gunita ng isang nilikhang minamahal ninyo, gaya ng hininga niya sa mahalimuyak na simoy ng hangin, ng kanyang awit sa bulong ng mga bukal, ng ngiti niya sa bahaghari ng langit, o ng mga buntung-hininga niya sa magulong halinghing ng hangin sa gabi. Ang sanhi nito'y sapagka't doo'y nakakikita kayo, sa pamamagitan ng mga mata ng inyong gunita, sa ilalim ng tahimik na bubong ng matandang tahanan, ng isang angkang nag-aalaala at naghihintay sa inyo, nag-uukol sa inyo ng mga isipan at mga pagkabalisa nila; sa wakas, sapagka't sa kanyang langit, sa kanyang araw, sa kanyang mga karagatan at sa kanyang mga kagubatan ay nakakatagpo kayo ng tulain, ng paggiliw at ng pag ibig, at hanggang sa libingan na ring pinaghihintayan sa inyo ng isang abang puntod upang kayo'y isauli sa sinapupunan ng lupą. Mayroon kayang isang kadiyusang nagtatali ng ating mga puso sa lupa ng ating inang-bayan, na nagpapaganda't nagpaparilag sa lahat, naghahandog sa atin ng lahat ng bagay sa ilalim ng isang anyong matulain at malambing, at nakararahuyo sa ating mga puso? Sapagka't sa papaano mang anyo humarap siya, maging nararamtan ng matingkad na pula, napuputungan ng mga bulaklak at laurel, makapangyarihan, at mayaman; maging malungkot at nag-iisa, nababalot ng basahan, at alipin, nagmamakaawa sa kanyang mga anak na alipin
18