Page:Mga akdang pampanitikan sa tuluyan (JRNCC, 1961, pangmadlang palimbag).pdf/31

This page has been proofread.

Ang inang baya'y nasa panganib! Sumusulpot sa lupa, na parang malikmata, ang mga manairigma't mga pangunanın. Inuwan ng ama ang mga anak, ng mga anak ang ama, at ianat sila'y dumadaluhong upang magtanggol sa ina ng lanat. Nagpapaalam sila sa tahimik na pakikibaka sa tahanan at inililingid sa ilalim ng talukap ng mga mata ang mga luhang pinadadaloy ng kalamputan ng loob. Sila'y nagsiyao, at lahat ay namatay. Marahil, siya'y ama ng maraming anak na mapupula't kulay sagang katulad ng mga kerubin, marahil siya'y isang binatang may pag-asang nakangiti; anak man o mangingibig ay hindi nakasasalabid! Ipinagtatanggol niya ang sa kanya'y nagbigay ng buhay, natupad niya ang kanyang tungkulin. Si Codro man o si Leonidas, kahit na sino siya, ang inang-baya'y matututong umalaala sa kanya.

Ipinara ng ilan ang kanilang kabataan, ang kanilang kaligayahan; ang iba'y naghandog sa kanya ng kaningningan ng kanilang kadalubhasaan; ang mga ito'y nagbubo ng kanilang dugo; ang lahat ay namatay at nagpamana sa kanilang inang-bayan ng isang malaking kayamanan; ng kalayaan at ng kaluwalhatian.

At siya, ano ang nagawa niya para sa kanila? Sila'y tinata ngisan niya at buong pagmamalaking inihaharap sa daigdig, sa mga ipanganganak pa at magiging anak ng mga ito upang maging halimbawa.

Datapuwa't ay! Kung sa kababalaghan ng iyong ngalan, o Inang bayan ay nagniningning ang mga kabaitang lalong makabayani, kung sa iyong ngala'y naisasagawa ang mga pagpapakasakit na higit sa kakayahan ng tao, sa kabilang dako nama'y gaanong pang-aapi ...!

Buhat kay Hesukristong puspos ng pag-ibig, na pumanaog sa lupa sa ikagagaling ng sangkatauhan, at namatay alang alang sa kanya sa ngalan ng mga batas ng kanyang bayan, hanggang sa mga lalong di-kilalang sinawi ng mga makabagong paghihimagsik, ilan, ay ang hindi nagtiis at namatay sa iyong ngalang kinamkam ng iba! Ilang mga sinawi ng pagtatanim, ng pag-iimbot o ng kamangmangan, ang hindi namatay, na nagpapala sa iyo, at nagnanais para sa iyo ng lahat ng uri ng kapalaran!

Maganda at dakila ang inang-bayan, kapag ang mga anak niya, sa sigaw ng pakikipaglaban, ay gumayak sa pagtatanggol sa matandang lupa ng kanilang mga ninuno; malupit at mapagmalaki, kapag, buhat sa mataas niyang luklukan ay nakikita ang dayuhang

22