tumatakas sa sindak sa harap ng hukbong hindi magapi ng kan-
yang mga anak. Datapuwa't kapag ang kanyang mga anak, na
nagkakahatihati sa magkakalabang pangkatin ay nagpapatayan;
kapag ang poot at ang pagtatanim sa kalooban ay nagwawasak ng
mga parang, mga bayan at mga lunsod, sa gayon, ay niluluray
niya sa kahihiyan ang kanyang balabal, at matapos itapon ang
setro, ay nagluluksa dahil sa mga anak niyang namatay.
Maging anuman nga ang kalagayan natin, ay nararapat nating mahalin siya at walang ibang bagay na dapat naisin tayo kundi ang kagalingan niya. Sa gayo'y gagawa tayo, alinsunod sa tad- hana ng sangkatauhang itinakda ng Diyos, na dili iba kundi ang pagkakasundo't kapayapaang pandaigdig ng mga nilikha niya.
Kayong nawalan ng mithiin ng inyong kaluluwa; kayong sa pagkakasugat ng inyong puso'y nakita ninyong naglahong isa-isa. ang inyong mga pangarap at katulad ng mga punongkahoy sa tag-ulan, ay nasumpungan ninyo ang inyong sariling walang bulak- lak at walang dahon at gayong nananabik na magmahal ay wala naman kayong makitang karapat-dapat sa inyo, nariyan ang inang- bayan, mahalin ninyo siya.
Kayong nawalan ng isang ama, ng isang ina, ng isang kapatid, ng isang asawa, ng isang anak, ng isang kasintahan, sa wakas, na siyang pinagbatayan ng inyong pangarap, at sa inyong sarili'y nakakatagpo kayo ng isang malalim at kasindak-sindak na kawalan. nariyan ang inang-bayan; mahalin ninyo siyang gaya ng nararapat.
Mahalin ninyo siya, oo nga, nguni't hindi gaya ng pagmama- hal sa kanya nang nakaraang panahon, sa paggawa ng mga malulu- pit na kabanalang itinakwil at sinumpa ng tunay na kabaitang-asal at ng inang kalikasan; hindi sa pagpaparangalan ng pananampa- latayang bulag, ng pagwawasak at ng pagkamalupit, hindi nga. Lalong kaayaayang bukang-liwayway ng kristiyanismo, sagisag ng mga araw na maligaya at matahimik. Kautangan nating manunton sa matigas nguni't payapa't mabungang landas ng agham na huma- hantong sa pag-unlad, at buhat doo'y sa pagkakaisang nilunggati't hiningi ni Hesukristo sa gabi ng kanyang pagpapakasakit.
LAONG-LAAN
BARSELONA, HUNYO, 1882.
(Sa kagandahang-loob ni Dr. Lopez-Rizal, ika-24 ng Hunyo, 1957.)
23