3. ANG MGA PAGLALAKBAY
(Sipi sa La Solidaridad, pahayagang makademokrasyang lumalabas
tuwing ikalabinlimang araw. Taon I, Bilang 7, Barselona, ika-15
ng Mayo, 1889.)
Sino ang hindi nakapaglakbay? Sino ang hindi nawiwili sa mga paglalakbay sa ang mga ito'y siyang pangarap ng kabataan sa unang pagkaalam niya ng kahalagahan ng bunay, sa ang mga paglalakbay ay isang aklat para sa mga may sapat na gulang, kapag ang paglulunggati ng karununga'y siyang kinaabalahan ng diwa, at sa wakas, ang mga paglalakbay ay siyang huling pahimakas ng matatanda kapag nagpapaalam sa daigdig upang tumahak sa lalong pinakamahiwagang landas?1
Ang paglalakbay ay isang humaling ng kamusmusan, isang simbuyo ng kabataan, isang pangangailangan ng mga tao at isang malungkot na tula ng katandaan.
Huwag ninyong basahin sa mga bata ang Robinson ni ang Gulliver,2 kung hindi ninyo nais na malingaw sa mga tanong hinggil sa mga bayang iyong ang mga panghalina'y ipinagiging maramdamin ng kanilang kaisipan; huwag ninyong ilarawan sa mga bata ang mga damdamin, ang mga biglang pagbabagu bago, pakikipagsapalaran sa mga bansang banyaga o kaya'y di-kilala; alisin ninyo sa mga mata nila sina Julio Verne, Mayne Reid,3 sapagka't kung hindi, ay pupukawin ninyo ang mga gabi nila, at maidaragdag pa ninyo sa sumisilang nilang hangarin, na balabalaki't mapupusok, ang isa pang magpapasakit sa kanila sa pagkapailalim sa iba o sa kanilang kakapusan ng salapi. May napakalaking pangganyak sa mga kababalaghang di-kilala, napakalaking panghalina sa pagmamasid sa kalikasan!
Katutubo na sa tao ang pagnanasa sa paglalakbay gaya ng pagnanasa sa karunungan, na tila baga yao'y inilagay ng Lumikha sa bawa't isa sa atin, upang sa udyok niya'y pag-aralan at kamanghaan natin ang kanyang mga gawa, makipagtalastasan at makipag-
1 Ang tinutukoy sa pangungusap na "pinakamahiwagang landas" ay ang kamatayan.
2 Tumutukoy ito sa mga akdang sinulat nina Daniel Defoe na pinamagatang Robinson Crusoe at ni Jonathan Swift na pinamagatang Gulliver's Travels.
3 Si Julio Verne ay siyang may-katha ng "20 Legwa sa Ilalim ng Dagat," at si Mayne Reid ay isang nobelistang irlandes.
24