Page:Mga akdang pampanitikan sa tuluyan (JRNCC, 1961, pangmadlang palimbag).pdf/51

This page has been proofread.


liwanag sa akin ang araling itinuturo niya, siya'y hinangaa't pi-
nagyukuan ko ng ulo; datapuwa't buhat nang sandaling siya'y
manghimasok sa lupain ng pilosopiya at relihiyon ay hindi ko na
siya pinakinggan at tinawanan ko na lamang ang mga pagpapa-
liwanag niya.

Gayon ma'y tila may katuwiran siya: napakaliliwanag ng
kanyang mga pagpapatunay at napakabibigat ng kanyang mga
pagmamatuwid. Datapuwa't palibhasa'y nasanay ako sapul pa
nang aking kamusmusan, hindi ako nahulog kailanman sa gayong
mga mapanlinlang na anyo ng diyablo, at inilalaban ko sa pang-
yayari ang pananampalataya, sa pagmamatuwid ang aral ng sim-
bahan, at kailan ma'y hindi ako kinulang ng pagkakataong maka-
pagsingit ng isang pagtatangi na lubos kong ikinasisiya.

Bukod sa lahat ng ito, ang manggagamot na si L. ay may
kaugaliang walang pagmamarangya nguni't hindi magaspang, mga
kilos na likas at karaniwan, nguni't hindi kulang sa pagpipita-
gan, at ikinalulugod niya ang pakikipag-usap sa amin, ang pa-
kikipagtalo maging sa pilosopiya nguni't kailan man ay hindi niya
dinala ang panunuligsa sa aming pananampalataya; manaka-na-
ka'y ipinaliliwanag ang sariling kuru-kuro niya, nguni't lagi na-
mang pinakukundanganan ang mga pala-palagay ng iba. Kaya nga,
kung siya lamang ay hindi natagpuan naming lalo pang maka-
kalayaan kaysa inaakala naming nararapat, siya'y napamahal sana.
sa amin; datapuwa't palibhasa'y kaaway siya ng aking Diyos, siya'y
nararapat ding maging kaaway ko.

Sa pagkamalas kong ang kaluluwang yaong lubhang mahalaga
at mulat ay mapapahamak na walang pagsala kung sa pagkuku-
lang ko ng pag-ibig kristiyano, ay hindi ko marapating turuan.
siya tungkol sa tunay na relihiyon, papaglagusin sa kanyang na-
dirimlang pag-iisip ang ilang sinag ng liwanag, nagtika akong
matibay na siya'y papagbalikin ng loob, siya'y bahaginan ng mga
katotohanang nag-uumapaw sa aking isip at sa aking puso.

At sa gayo'y sinamantala ko, isang araw na siya'y lubhang
namamanglaw, na siya'y lapitan ko upang makipagtalo sa kanya
at nang mapabalik sa mabuting landas. Kapag ang mga sakit
ay tumataos sa kaluluwa, ito'y tandang ninanais ng Diyos na ang
kaluluwang yao'y mahanda para sa mabubuting bagay. O gaya
ng sinasabi ng isang dakilang mangangaral na dominiko na kina-
lulugdan ko nang ako'y bata pa: "Kapag ang malamig na ulan
ng mga luhang makalangit ay pumapatak sa lupang tigang ng
baog na puso't kaluluwa, ang mga patak ng biyaya'y nagpapataba

42