-Sa inyong gulang -ang sala ko -ay hindi na kayo nara-
rapat mag-isip pa ng mga paglalakbay; may isang paglalakbay na
nararapat ninyong pagkaabalahang lalo, at ito ang ating pag-usapan.
-Ang paglalakbay bang iya'y nagawa na ninyo kailan man?-
ang tanong niya na nahulaan ang ibig kong tukuyin.
-Hindi pa, nguni't ang iba'y nakagawa na niyaon, gaya rin
ng gagawin nating dalawa.
-Natitiyak ba ninyo?
-Lubhang natitiyak ko.
-Nguni't paano ninyo nalalamang ang paglalakbay na iya'y
ginagawa? Sino ang nagsabi sa inyo?
-Paano? sino? ... sino pa kundi ang ating banal na Inang
Simbahan.
-At sa simbahan, sino ang nagsabi ng gayon?
- Si Hesukristo, sa kanyang mga Ebanghelyo.
-Sino ang maykatha ng mga Ebanghelyo?
-Ang mga apostoles.
-Natitiyak ba ninyo?
-Mangyari pa! Bukod dito
-Magaling, binati ko kayo kung natitiyak ninyo; higit pa
sa riyan ay hindi na makahihingi sa inyo ang Diyos, sa dahilang
kayo'y gumagawa alinsunod sa inyong iniisip; kayo'y umiisip alin-
sunod sa inyong pananampalataya, at kayo'y sumasampalataya alin-
sunod sa inyong budhi. Ang Diyos ay hindi humihingi ng di-mang-
yayari. At matapos tingnan ang kanyang orasan ay inanyayahan
akong sumalo sa kanya, sapagka't oras na noon ng pagkain.
-Napagkilala kong siya'y umiiwas sa lahat ng pakikipagtalo.
Sa pagnanasa kong siya'y huwag mayamot, ay ipinagpaliban ko
para sa ibang araw ang pagpapabalik-loob at inaasam-asam ko ang
lalong mabuting kapalaran.
-Ang lalong nakapagpapalakas ng aking loob sa gawaing isi-
nabalikat ko'y ang pagkapansin ko na siya, bukod sa matuwid na
patakaran hinggil sa kagandahang-asal, ay mayroon pang katutu-
bong pagkakahilig o isang uri ng pagkakabuhos ng loob sa aming