Page:Mga akdang pampanitikan sa tuluyan (JRNCC, 1961, pangmadlang palimbag).pdf/54

This page has been proofread.


banal na relihiyon. Ang kanyang asawa at anak na babae'y mga
katoliko, nakikinig ng misa, nagkukumpisal, nakikinabang, at na-
ngingilin tuwing ito'y iniuutos ng Simbahan. Sa ganang kanya, ba-
gama't siya'y hindi tumatanggap ng mga sakramento, ang pamu-
muhay naman niya'y sapat na uliran, wala siya ng anumang bisyo;
gumagamot siya nang walang bayad sa mga mahihirap na binibigyan
pa niya ng mga gamot, namumudmod siya ng mga limos, at hindi
siya narinig na umupasala kailan man sa kaninuman, kahit na sa
pamahalaang maaaring siyang lahat ng bagay na maaaring masabi.

- Totoong kahina-hinayang ang nasasabi kong madalas sa
aking sarili na ang gayon karaming kabutihan ay mawalan ng
kabuluhan at ang gayon kalawak na karunungan at gayon kalaking
pagpapakahirap ay humantong sa impiyerno! - Sa katunayan,
siya'y hindi ko nalilimutan sa aking mga panalangin, bagay na ma-
rahil ay nakatutulong pa sa pananatili niya sa gayong kalagayan.

Gaya ng aking sinabi, siya'y may isang anak na dalagang na-
pakabait, maganda at napakamagiliwin.

Palibhasa'y nabuo na sa aking loob ang pagiging anino niya,
ipinasiya kong lumigaw sa kanyang anak na dalaga upang sa ga-
nitong paraa'y magkaroon ako ng lalong maraming pagkakataong
makipag-usap at makipagkita sa kanya sa kanyang tahanan, at baka
kung magkatuwang kami ng kanyang anak ay maakay namin siya
sa mabuting landas.

Sasabihin ninyo sa aking ang landas na pinili ko ay may ka-
habaan; marahil ay may katuwiran kayo, nguni't yao'y siyang la-
long tiyak. Ang lahat ng ito'y alang-alang sa pag-ibig sa Diyos!

Lumigaw nga ako sa kanyang anak na babae; datapuwa't iti-
nadhana ng Diyos, upang ako'y subukin, marahil, na ang pag-ibig
ko'y huwag niyang tanggapin, bagama't madalas kong iginiit sa
kanya ang aking pag-ibig, madalas ko siyang dalawin, at madalas
kausapin tungkol sa kalangitan at sa aking mga pag-asa. Duma-
ting ang isang sandaling inakala kong ang diyablo, sa takot nitong
matupad ang aking balak, ay humadlang, sa pamamagitan ng lahat
ng kaparaanang maaaring gawin sa aking mga banal na hangarin,
nguni't sa sandaling pagwawari-wari'y naunawaan kong hindi maaari
ang gayon dahil sa katuwirang sumusunod. Ang diyablo, na napa-
kamapaglalang, napakamanúnukso, ay dapat sanang tumulong sa
pag-iibigan namin, upang pagkatapos ay libangin ako, ilayo sa aking
landas at patahakin ng ibang daan.

45