ang gabing sinundan ng kanyang pagkamatay. Noo'y nagkakati-
pon kami sa silid-tulugan, siya na nasa kama, ang kanyang may-
bahay, ang kanyang anak at ako.
Ang maysakit ay maputla, payat, ang pagmumukha'y malung-
kot at di-sukat malirip. Mahirap ang kanyang paghinga, nguni't
kinamamasdan ng isang wari'y himig ng katiwasayang nagbibigay
sa kanyang mukha ng katangi-tanging panghalina.
Ang may-bahay niyang nakaupo sa isang lukluka'y taimtim na
nananalangin sa katahimikan; ang tingin niya'y nakapako sa kan-
yang asawa, nguni't anong tingin! . . . Namamalas ditong nagu-
gunita niya ang buong kahapong maligaya . . . Ni isa mang
kurus ay wala.
Ang anak na dalagang dalawang gabi nang hindi nakakatulog
ay nakaupong walang kakilus-kilos sa isang malaking silya; pi-
nagagalagala ang paningin nang walang anumang bagay na mina-
malas. Kay ganda niya sa aking paningin, sa kanyang pamumutla
at mga matang nagmamakaawa. Kung ang maysakit ay naging
katoliko lamang, marahil ay napagkamalan ko siyang anghel na
tagatanod, na nagpupuyat sa dakong ulunan ng maysakit upang
ipailanlang ang kaluluwa nito sa langit, datapuwa't sa kasawiang
palad ay hindi maaaring gayon,
-Hali kayo -anang maysakit sa mahina nguni't magiliw
na tinig -magsilapit kayo: mahahalaga sa akin ang mga san-
dali. . . Nalalaman kong nalalapit na ang aking oras at sa
loob ng ilang sandali'y makikita ko na marahil ang Diyos at ma-
kapapasok sa hindi ko naunawaan kailan man ..
-Tunay - ang nagmamadali kong isinagot -kayo'y ha-
harap sa Diyos kaya tumanggap kayo ng mga sakramento.
-Kaibigan ko ang itinugon niyang kasabay ang bahag-
yang pagkilos at ako'y tinitigang may pasasalamat salamat sa
inyong mabubuting hangarin; nguni't huwag nating pag-usapan
ang bagay na iyan . . . ako'y mamamatay at kinakailangan ko ang
panahong ito upang maiukol sa aking pamilya.
Ang mga hibik ng ina't anak na kinuyom nang mahabang pa-
nahon ay hindi na napigilan