Page:Mga akdang pampanitikan sa tuluyan (JRNCC, 1961, pangmadlang palimbag).pdf/58

This page has been proofread.

Bakit? Tumatangis ba kayong nangagsisipaniwala sa ka-
bilang buhay? ang naibulalas niya ako ang nararapat tu-
mangis palibhasa'y hindi ko nalalaman kung ano ang mangyayari
sa inyo...

- O! sa bagay na iya'y huwag kayong mabahala
liksi kong ipinutol.

-Ano ang mangyayari sa inyo? ang patuloy niya -Hali-
ka, anak ko, lumapit ka; idaop mo ang iyong mga kamay sa aking
mga kamay... nanlalamig ... sapagka't nalalapit na ang ka-
matayan... hindi ko na nararamdamang mabuti ang init ng
iyong mga palad.

-Tatay... tatay! -ang tumatangis na sigaw ng kanyang
anak na nanikluhod.

Ang asawa'y nakaluhod din sa paanan ng hihigan.

-Huwag kayong umiyak ... bagkus makinig kayo sa
akin... Sa malawak na pag-aalinlangan tungkol sa hinaharap
ngayong kayo'y aking lilisanin, walang ibang bagay na bu-
mabagabag sa akin kundi ang iyong kabuhayan ... dinggin mo,
anak ko: natatalos kong ikaw ay umiibig, bagama't ito'y hindi
mo sinabi sa akin kailan man, nguni't yao'y alam ko ... hindi ba
totoo? ... kung gayon ...

-O, huwag ninyong pagkaabalahan ang bagay na iyan, ama
ko... kung siya'y hindi ninyo gusto, hindi ko siya iibigin.
Pumitlag ang aking puso at ako'y lalo pang lumapit upang
makarinig na mabuti.

-Hindi, sa paano't paano ma'y hindi -anang maysakit -
Ikinagagalak ko ang iyong pagkapili at ninanais kong ikaw ay
pakasal sa kanya.

Maninikluhod na sana ako upang magpasalamat sa kanya, nang
sa-bubukas ang pinto at sa-papasok ang manggagamot na balisang-
balisa. Ang anyo ng silid ay ikinataka niya.

-Hinihintay kita, anak ko -anang maysakit sa kanya -
halika, lumuhod ka... sa ganya'y ipinagkakaloob ko sa iyo ang
aking anak na dalaga ... siya'y gawin mong isang butihing may-
bahay... binabasbasan ko ang inyong pag-iibigan.

49