Page:Mga akdang pampanitikan sa tuluyan (JRNCC, 1961, pangmadlang palimbag).pdf/59

This page has been proofread.

At siya'y namatay.

Aywan ko kung ano ang nangyari sa akin; hindi ko na na- malayan ang nangyari pagkatapos.

Tuwing ginugunita ko na ang kaluluwang yao'y napariwara magpasawalang hanggan at hindi ko siya nailigtas ... ako, na lubhang nagpagod ... ay! ang huli nang di-pagsisisi!

Ang parusang iginagawad ng Diyos sa mga malayang palaisip na yaon. . . Nakapangingilabot!

Buhat noon, sa pagkamalas kong ipinagkakait ng Diyos ang kanyang kamay sa mga sawimpalad na ito'y hindi na ako nag- tangkang magpabalik-loob sa kaninuman. Mapahamak na sila!

At dahil diya'y kinailangan ko pang lumigaw sa kanyang anak na dalaga!











50