Page:Mga akdang pampanitikan sa tuluyan (JRNCC, 1961, pangmadlang palimbag).pdf/74

This page has been proofread.

Umuwi akong nag-iisip-isip ng mga sumusunod: Sino kaya ang dalawang babaing iyon? Saang bayan sila nanggaling at ano kayang angkan ang kanilang kinabibilangan?

Ang matandang babaing yaon, na halos napapanis ang laway, at ang dalagang yaong mapag-isip at tapat, ano ang ginagawa. nila roon, at bakit sila nag-iisa?

Na sila'y galing sa isang kilalang angkan, ito'y hindi mapag-aalinlanganan: ang mga gawi nila'y nagpapahiwatig niyaon.

Sabik na malaman at naghahangad na maliwanagan ang suliraning itinatago ng dalawang babaing nabanggit ay dumating ako sa bahay na nangngakong dumalaw uli sa kanila.






65