Page:Mga akdang pampanitikan sa tuluyan (JRNCC, 1961, pangmadlang palimbag).pdf/83

This page has been proofread.
9.

ANG PANGITAIN NI PRAYLE RODRIGUEZ

Nakahilata isang gabi sa isang maginhawa't malaking luk-
lukan, si Prayle Rodriguez, na nasisiyahan sa kanyang sarili at
sa kanyang kinaing hapunan, ay nangangarap sa mga kuwaltang
nalilikom buhat sa mga bulsang pilipino, sa pamamagitan ng pag-
bibili ng kanyang maliliit na aklat. Kaginsa-ginsa'y parang ma-
likmatang naging puting napakaningning ang dati'y manilaw-nilaw
na liwanag ng kingke, napuno ang hangin ng mahinhing bango,
at sa-lilitaw ang isang taong hindi malaman kung saan nangga-
ling o paano dumating.

Ang taong ito'y isang matanda, katamtaman ang taas, kayu-
manggi at payat; maputi ang balbas, na lalong nagpapatingkad
sa kanyang mga matang buhay na buhay at nagniningning, ba-
gay na nagbibigay sa kanyang mukha ng isang kasiglahang hindi
pangkaraniwan. Natatakpan ang kanyang mga balikat ng isang
magarang balabal, sa kanyang ulo'y nakasuot ang "mitra" at may
hawak na isang tungkod na tinatawag na "bakulo." Ang mga
bagay na ito'y nagpapakilalang siya'y isang obispo.

Nang siya'y mamataan ni Prayle Rodriguez ay naghihikab
na bumulong-bulong ito:

—Mga guniguni ng aking malusog na gunamgu
Hindi siya tinulutan ng pangitain na tapusin ang pagsasalita;
sapagka't pinalo siya sa batok ng bakulo.

—Hoy! masakit namang biro ito! - ang naibulalas ng prayle,
samantalang hinahagud-hagod ng isang kamay ang nasaktang batok,
at kinukusot naman ang isang mata ng kabilang kamay; ito pala'y
hindi isang panagimpan, datapuwa't, kumpare!

Ikinagalit ng nababagong tauhan ang pagkakasalita sa kanya
ng parang siya'y isang kapalagayang-loob, kaya't hinampas na nang
malakas ng bakulo ang tiyan ng prayle. Ito'y ikinalundag ni
Prayle Rodriguez buhat sa kanyang luklukan nang mamalas na iyon
pala'y sadyang totohanan.

—Hoy! Prayle Pedro! Bakit mo ginawa ito? Ganyan ba ang
paniningil mo sa mga indulhensiya? Hindi ganyan ang ating ka-
sunduan! Aray! aray!, patawarin po ninyo ako!

74