Page:Mga akdang pampanitikan sa tuluyan (JRNCC, 1961, pangmadlang palimbag).pdf/87

This page has been proofread.


ya ng kanyang kura, na nangako ng mga indulhensiya para sa kabilang buhay. Ang pagkakarating niya, ang pagkalat ng balitang siya’y may dalang maliliit na aklat na katha ng mga paring agustino, at ang pag-aagawan sa mga aklat .... ang lahat nang iya’y sabay-sabay na nangyari sa isang kisap-mata. Tinangka kong magtago, datapuwa’t hindi ko nagawa. Nagdatingan ang langkay-langkay na mga anghel; nawala sa kumpas ang mga aklat sa halip na tunghan ang mga papel na inaawit at dahil dito’y pumipiyok sila sa pag-awit, at pati ng baboy ng matandang si Antonio ay nagsimulang ngumalngal at magpagalaw-galaw. ng kanyang buntot.

Ako’y tutoong napahiya. Nakikita kong itinuturo ako ng lahat at pagkatapos ay nangaghahalakhakan. Datapuwa’t si Zarathustra, ang pormal na si Zarathustra ay hindi tumatawa. Angkia ang isang pagmamataas na ikinaaba ko, ay pinangusapan niya ako ng ganito.

— At anak mo baga iyang nagsasabing ang aking relihiyon ay pagano at ako ay pagano rin? Sumama na bang lubha ang iyong mga anak? Hindi ba nila kayang ibukod sa pagsamba sa mga anito at sa relihiyong nangangaral na maraming diyos, ang itinuro kong wagas na relihiyon, ang relihiyong ina, ang ibang mga relihiyong lalong ganap? Hindi na ba nila nalalaman na ang salitang paganismo ay nagbuhat sa katagang pagani, na ang kahulugan ay mga “naninirahan sa mga parang,” palibhasa ang mga ito’y siyang lalong namalagi sa pananampalataya sa poltieismo o maraming diyos, na iniaral ng mga griyego at-ng mga romano? Ipapakli mo sa aking hindi sila marunong ng wikang latin, kung gayon ay huwag silang napakapangahas sa kanilang pagsasalita! Sabihin mo nga sa kanila na ang salitang Paganus ay nanggaling sa salitang Pagus na pinagkunan din ng mga salitang pages, payes, paien, paese, pais, at iba pang gangganitong salita, Sabihin mo sa mga sawimpalad. na iyan na ang relihiyon ng Zend-Avesta ay hindi sinampalatayanan kailanman ng mga taong-bukid sa mga bayan-bayang romano. Sabihin mo sa kanila na ang aking relihiyon ay monoteista at nagtuturong iisa lamang ang Diyos, at ito’y lalo pang monoteista kaysa relihiyong katoliko apostoliko romano, na tumanggap, hindi lamang ng aking dualismo o pagkakaroon ng dalawang basal na simula, kundi ginawa pa nilang diyos ang maraming ibang nilalang. Sabihin mo sa kanila na ang salitang Paganismo, kung ang malawak at sinirang kahulugan nito ang isasalang-alang, ay walang ibang katuturan kundi politeismo; at dahil dito, ni ang re-

78