lang itinugon kundi: “Bayaan ninyo akong mamatay nang payapa,”
at pagkawika nito’y nalagutan ng hininga. Datapuwa’t hindi kita
kinagagalitan tungkol sa bagay na ito, sapagka’t bagaman ikaw
ay nagkamali ay inulit mo lamang ang iyong mga narinig. Ang
lalong masama ay hiniling ni Voltaire sa Diyos na ikaw ay dalhin
sa langit na buhay at nakaabito. Nang siya’y tanungin kung bakit,
itinugon niya ay: “upang tayo’y maaliw”.
Si Pedro, nang makita niya ang mga indulhensiyang inilagay ng Arsobispo sa iyong aklat upang makahuli ng mga mamimili, ay nagwika:
— Bakit hindi ko naisipan, — anya, sabay ng pagtapik sa kanyang ulong upaw, — bakit hindi ko nga naisipang payamanin sa mga indulhensiya ang mga isdang ipinagbibili ko noong ako’y nangingisda pa? Sana’y yumaman tayo, at si Judas, sa halip na ipagbili ang Guro, ay nakapaglako sana ng tamban at tinapa! Hindi ko na rin sana naitatuwa ang Guro, at hindi na rin sana ako pimasakitan pagkatapos ... Sa katotohana’y sinasabi ko sa inyo na ang aking kalagyo ay lalo pang tuso kaysa akin sa bagay na ito ng pagkakamal ng salapi, at gayong ako’y isang hudiyo,
— Iyan ang katotohanan! Hindi mo tba alam na ang iyong kalagyo ay isang galyego? — ang sabad ng isang tinig.
Ang tinig na yaon ay nagbuhat sa isang matandang dumating doon nang may ilan taon lamang ang nakararaan. Ang pangalan niya ay Tasyo. Ito’y lumapit sa akin at nagwika:
— Kayo’y isang dakilang Doktor, at bagama’t madalas din kayong nagkakasalu-salungat sa inyong mga kinatha gaya ng sa mga aklat na RETRACTATIONUM at sa inyong CONFESSIONES, ay inaari ko kayong isang talinong katangi-tangi at napakalawak na karunungan. Yamang wala kayong pagkakahawig na anuman sa inyong mga anak, na kung ipinagtatanggol ang kanilang sarili ay ginagawang itim ang puti at ang puti naman ay ginagawang lungtian, ay ihihinga ko sa inyo ang aking mga daing upang sila’y maituwid ninyo yamang kayo’y ama nila,
“Doon sa lupa ay may isang kasapi sa inyong samahan na nakagawa, bukod sa maraming kahangalan, nitong mga sumusunod:
Una. Na ibig niyang ipasarili sa isang indiyo, na nagngangalang Rizal, ang aking mga sinabi noong ako’y nabubuhay pa
80