Page:Mga akdang pampanitikan sa tuluyan (JRNCC, 1961, pangmadlang palimbag).pdf/93

This page has been proofread.


gatoriyo ay isang bagay lamang na dili ang hindi maaari, impossibile
non est, at ito, kahit na itinanggi ninyo nang tiyakan nang in-
yong wikaing: Tertius non est ullus, alalaong baga ay: Walang
ikatlong lunan. Idagdag ninyo rito ang sinabi ni San Fulgencio,
na nabuhay pagkatapos ninyo noong mga dantaong ikalima at ika-
anim. Sinabi niya sa kabanatang ikalabing-apat ng incarnatione
et gratia ang sumusunod: Quicumque regnum Dei non ingreditur,
poenis eternis cruciatur. Ang ibig sabihin ay: "Ang sinumang
hindi makapasok sa kaharian ng Diyos, ay pasasakitan ng parusang
walang hanggan."

Ikalima. Ang inyong anak ay alin sa dalawa: o hindi maalam
bumasa o may buktot na kalooban kung gumawa. Akalain ba na-
man ninyo na sa aking pangungusap na ang sinasabi ay ganito:
"Ang mga protestante ay hindi SUMASAMPALATAYA sa bagay
na ito, at ang mga ama ng simbahang griyego ay hindi rin, sapagka't
kanilang winawalang kabuluhan . . ." at iba pa, ay kanyang nahulo
ang ganito: Ang mga ama ng simbahang griyego ay hindi NA-
NGAGSISAMPALATAYA sa purgatoriyo. Paano niyang nagawang
pampanahunang pangnagdaan ang panahunang pangkasalukuyan
upang kanyang mabaluktot lamang ang pangungusap at mahinuha
dito ang mga santong ama ng simbahang griyego? Ang ginamit
ko'y pangkasalukuyan at sa kapanahunan ko'y wala na ng mga san-
tong ama ng simbahang griyego at wala na kundi mga ama lamang
na kaanib sa simbahang griyego. Bukod dito, sa dahilang sinusu-
nod ko ang halayhay na pangkasaysayan, kaya hindi ako maaaring
makapagsalita tungkol sa mga protestante muna at pagkatapos ay
sa mga santong ama ng simbahang griyego, na nagsisampalataya
sa mga bagay-bagay na maaari nilang sampalatayanan noong ka
nilang kapanahunan at noong ako'y nabubuhay pa sa lupa ay pa-
wang nakaraan na para sa akin. Sa ngayon, sila, na lalo pang
maalam at mulat ay sumasampalataya sa sinasampalatayanan na-
ting lahat. At angkin ang kabuktutang-asal na ito, ay tinatawag,
pagkatapos, na mapanirang-puri, mapanlinlang, at mangmang ang
taong sumulat ng aking mga sinabi.

Datapuwa't ang ganyang pamamaraan ay naging katangian na
ni prayle Rodriguez. Sa ibang aklat, at sa pagtalima sa tuntunin
niya na ang isang bahagi ay ariing kabuuan ay pinakahuluganan
niya ng araw ang pariralang sinag ng araw, at ito'y kanyang gi-
nawa upang libakin ang may-katha ng aklat at matawag na mason.
Sabihin nga ninyo, sino ang mapanlinlang dito, ang mapanirang-puri,
o ang mangmang?

84