ay upang matamo lamang ang inyong pinipithaya.) Ang Diyos
na iyan ay maaaring humingi sa inyo balang araw ng pagtutuos
sa lahat ninyong kasalanan. Alamin ninyong hindi niya kinakai-
langan ang salapi ng dukha. Ang pagsamba sa kanya'y hindi nag-
kakasiya lamang sa pagsisindi ng mga kandila, sa pagsunog ng
kamanyang, sa pagmimisa, sa pagsampalatayang pikit ang mata sa
sinasabi ng iba sukdang ito'y nalalaban sa katuwiran; hindi, sa-
pagka't siya'y may mga tanglaw na lalo pang maliwanag kaysa araw
ninyo, may mga bulaklak na lalo pang mahahalimuyak kaysa la-
hat ng bulaklak sa balat ng lupa, at may tugtugin siya sa mag-
kakatugmang tunog ng mga bituin. Siya'y nakasisiya sa kanyang
sarili. Nilalang niya ang pag-iisip, hindi upang ito'y busabusin,
kundi upang sa tulong ng mga pakpak nito ay maging maligaya
ang tao at makapailanlang sa Kanya. Hindi siya nangangailangan
ng sinuman; nilalang Niya ang tao, hindi para sa kanyang sarili,
kundi para sa tao rin. Hindi Niya kinailangan ang tao ni hindi
niya kinakailangan: maligaya Siya buhat sa kawalang-hanggan.
"Mahigpit kayong nananangan sa isipang nauukol sa purgato-
riyo. Ito'y ibig ninyong ipagtanggol at para sa bagay na ito'y
ginagamit ninyo ang lahat ng sandata, kahit na ang lalong imbi.
Bakit sa halip na sayangin ang panahon sa paninindigan sa hindi
ninyo nakita kailan man, ay hindi ninyo ipangaral ang pag-ibig
sa kapuwa, ang pagmamahalan? Bakit sa halip ng mga parusa
sa purgatoriyo, ay hindi ninyo ipangaral ang aliw at pag-asa u-
pang patamisin nang bahagya ang mga kasamaan sa buhay?
Bakit? Sapagka't ang tunay na aral ni Kristo ay hindi makapag-
dudulot sa inyo ng salapi, at ang hinahangad ninyo'y ginto,
ginto, maraming ginto, at upang magkamal nito ay kinakasang-
kapan ninyo ang Purgatoriyo upang makunan ninyo ang ulila at
ang balong babae sa pamamagitan ng mga kakila-kilabot na ku-
wento tungkol sa kabilang buhay, upang sila'y makunan lamang.
ninyo ng ilang kuwalta? Nalimot na ba ninyo ang sinabi ng
Apostol: Nolo vos ignorare, fratres, de dormientibus, ut non con-
tristemini, sicut qui spem non habent? ("Ayokong hindi ninyo
malaman, mga kapatid, ang nauukol sa mga nangakakatulog, upang
huwag kayong mahapis na tulad ng mga walang pag-asa.") Na-
limot na rin ba ninyo itong aking sinabi na: Haec enim est chris-
tianae fidei suma: vitam aeternam expectare post morten? Ala-
laong baga'y "Heto ang kabuuan ng pananampalatayang kristiyano:
umasa sa buhay na walang hanggan pagkatapos ng kamatayan."
Datapuwa't kayo'y nagkukulang sa pag-ibig sa kapuwa. Gumaga-