wa kayo ng nalalaban kay Kristo, at dahil sa imbing pakinabang
ay nanghihimasok kayo sa mga kahatulan ng Diyos. Ang buong
lakas ng inyong pagmamatuwid ay nasasandig dito, na may mga
kaluluwang hindi sapat na makasalanan upang mapasama mag-
pasawalang hanggan, ni hindi naman sapat na malinis upang ma-
kapasok sa langit. Sino ang nagpahintulot sa inyo na pangunahan
ang mga kahatulan ng Diyos na tumitimbang at nagsasa alang-
alang kahit na ng pinakamaliit na kaisipan, at nakababatid na
hindi maaaring mahingan ng kaganapang maka-Diyos ang mga
nilikhang yari sa putik, na napapailalim sa mga kaabaan dito,
mga pangangailangan, at mga kaapihan? Sino ang nagsabi sa inyo
na hahatol Siya gaya ng paghatol ninyo, kayong mga taong may
makitid na kaalaman? Sino ang nagsabi sa inyong hindi natin
napagbabayaran dito ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng
mga pagdurusang ating dinaranas sa buhay na ito? Kung noong
una'y maaari kong matanggap ang anino ng pagka-maaaring mang-
yaring bagay na yaon, ngayon, sa dahilang lalo ko nang nasasak-
lawan ang kabutihan ng Diyos at ang kaabaan ng tao, ay mayroon
akong buong-buong pananalig sa Kanya at natitiyak ko nang ang
Kanyang pamamaraan at kahatulan ay magiging walang-hanggan
na lalo pang matuwid at mabuti kaysa akin, Kaya nga, iwaksi
na ninyo ang pagsusumakit sa pagkakamal ng kayamanan; mayroon
na kayong sapat. Huwag kayong humatol sa mga kaluluwa ng iba
upang agawin ang kahuli-hulihang subo ng kanin sa mga dukha.
Ipaubaya ninyo sila sa mga kamay ng sa kanila'y lumikha at hu-
wag ninyong pamagitanin ang inyong mga sumbong upang maagaw
lamang ang kaunting salaping iniwan ninyo sa kanila. Pakatan
daan ninyo yaong winika ni Fulgencio: Et si mettetur in stagnum
ignis et sulphuris qui nudum vestimento nan tegit, quid passurus
est qui vestimento crudelis expoliat? Et si rerum suarum avarus
possessor requiem non habebit, quomodo alienarum rerum insatia-
bilis raptor? ("At kung inihuhulog sa tangke ng apoy at asupre
ang hindi nagpadamit sa hubad, ano kaya ang dadalitain ng isang
malupit na sa kanya'y naghubad? At kung hindi matatahimik ang
nagmamaramot sa mga ari-arian niya, paanong matatahimik ang
magnanakaw sa ari-arian ng iba?") Bulay-bulayin ninyo na sa
kaarawan ng paghuhukom ay maaari kayong ipagsumbong ni Sa-
tanas kay Kristo ng ganito: Tui autem christiani, pro quibus
crucifixus et mortuus es, ut morti ipsi non timerent, sed essent de
resurrectione securi, non solun lugent mortuos voce et habitu, sed
etiam ad ecclesiam procedere confunduntur; aliquanti etiam ipsi
clerici tui et pastores ministerium suum intermittunt, vacantes, luc-
tui quasi insultantes tuae voluntati. ("Datapuwa't ang iyong mga
Page:Mga akdang pampanitikan sa tuluyan (JRNCC, 1961, pangmadlang palimbag).pdf/97
This page has been proofread.