Page:Mga akdang pampanitikan sa tuluyan (JRNCC, 1961, pangmadlang palimbag).pdf/98

This page has been proofread.


kristiyano, na dahil sa kanila'y ipinako ka sa kurus at namatay,
upang sila man ay huwag matakot sa kamatayan bagkus buong
tibay na manalig sa pagkabuhay na mag-uli, ay hindi lamang tina-
tangisan ang mga namatay sa pamamagitan ng tinig at pananamit,
kundi nagkakasagasaan pa sa pagparoon sa simbahan. Marami rin
naman sa iyong mga klerigo at tagapastol ang nagsisitigil sa pag-
ganap ng kanilang katungkulan at inaatupag ang paghihinagpis, na
para bagang nilalait ang iyong kalooban.")

"Kaya nga, ipangaral ninyo ang relihiyon ng mga pag-asa
at ng mga pangako, sapagka't kayo'y lalong nangangailangan ng
kapatawaran kaysa sinuman. Huwag kayong magsalita tungkol
sa mga kahigpitan at huwag ninyong hatulan ang sinuman; baka
kayo'y dinggin ng Diyos at hatulan nang alinsunod sa mga kau-
tusang inyong pinagtahi-tahi. Ikintal ninyong lagi sa inyong
alaala ang sinabi ni Kristo: Vae vovis Scribae et Pharisaei hy-
pocritae qui clauditis regnum caelorum ante homines; vos non
intratis, nec introeuntes sinitis intrare.— ("Sa aba ninyo, mga
eskribas at pariseos na mapagbalatkayo, at nangagpipinid ng ka-
harian ng langit sa mga tao; hindi na kayo makapapasok ay hindi
pa ninyo pinababayaang makapasok ang iba.") Bawasan ninyo ang
kasakiman, at dagdagan ang inyong pag-ibig sa kapuwa.

"Ngayon, ang tangi kong sasabihin ukol sa iyo ay ito: Ikaw
ay isang hangal na sawimpalad. Marami kang sinasabing mga
kahangalan, nguni't halos hindi kita masisi, sapagka't ano pang.
ibang bagay ang dapat kong hintin sa iyo, at hindi ko nais na
parusahan ka dahilan sa iyong mga kahangalan. Datapuwa't nag-
karoon ka ng kapangahasan, hindi lamang sa paglait sa iba, at sa
bagay na ito'y nagkasala ka sa pag-ibig sa kapuwa, kundi nanga-
has ka rin namang purihin ang iyong sarili at isulat ang papuring
iyan sa naglalakihang titik upang mapansin ng lahat. Noong ikaw
ay nagsasalita tungkol sa iyong sarili ay sinabi mong: "Ang paring
ito ay nakikilala kong mabuti. O ikaw ay nagsisinungaling o si
Don Pepe mo na hindi pala nakakikilala sa iyo. Sa ganang nau-
ukol sa iyo, tinitiyak kong hindi mo nakikilala ang iyong sarili
bagaman tila may bahagyang katigasan ang iyong ulo. (Ano bang
bahagya?) Hindi mo ba nakitang nabakli ang aking bakulo sa
iyong ulo, na tila isang bato? Nguni't hindi mo na kailangan
pang ipahayag iyon, sapagka't nalalaman ng buong daigdig na ang
katigasan ng ulo ay katangian ng mga taong magaspang at walang
pinag-aralan. Ganoon man, ay hindi mo makaugaliang magsalita
nang walang kapararakan,— ito'y tutoo sa isang dako: palibhasa'y

89