Page:Mga akdang pampanitikan sa tuluyan (JRNCC, 1961, pangmadlang palimbag).pdf/99

This page has been proofread.


bawa't katagang sabihin mo ay nagiging sanhi ng tawanan, maging
dito sa lupa at maging sa langit. Hindi ka rin nahirati sa pagsa-
sabi ng mga bagay-bagay nang hindi mo pinag-iisip muna; kaipa-
la'y totoo yaon; dangan nga lamang at talagang makitid ang iyong
isip. Dahil sa hangal sa pagmamarangyang ito, ay marapat kitang
atangan ng isang pasakit, isang parusa, minsan lamang nguni't
panghabang panahon, sapagka't hindi mo na ako pipiliting bumalik
pa upang pangusapan kita tuwing magsasabi ka ng mga kahanga-
lan. Hindi magsasayang ng panahon ang aking buhay sa pagsa-
saayos ng iyong mga kaungasan.

At ang Obispo'y nagbulay-bulay nang malalim:

—Kung ikaw ay aking hahatulan alinsunod sa paraan ng
iyong pag-iisip, ay walang agam-agam na nararapat kang mahulog
sa impiyerno o iyong purgatoriyo man lamang; datapuwa't hindi,
hindi panununtunan ng Diyos ang iyon mga kapasiyahan... Isa
pa'y mayroon ka rin namang nagagawang bahagyang kabutihan
bagama't hindi mo kinukusa, at ito'y dili iba kundi ang pagpa-
patawa mo sa maraming bihasang tao, at upang maisagawa ito'y
kinakailangan din ang pagtitiis. Nararapat ko bang gawing hu-
wag mag-alis ng sambalilo ang mga indiyo o huwag humalik sa
iyong kamay, kung ikaw ay makasalubong nila? Yao'y magaling.
upang maparusahan ang iyong kapalaluan, nguni't kung ito'y aking
gagawin ay ipatatapon, pagkatapos, ang mga kahabag-habag na
indiyo o ipabibilanggo kaya at hindi tumpak na dagdagan ko pa
ang samang inyong ginagawa. Nararapat bang pagdusahan ang
iniuukol mo kay Voltaire, kung yaon ay pakakahuluganang isang
kaparusahan? Tila nararapat sa iyo ang gayon, sapagka't waring
minamabuti mo ang kasamaang iyon. Datapuwa't maaaring may
ilang paniwalaing nagsisipaniwala sa iyo, at kapag nakita nila,
pagkatapos, na ikaw ay nagtitiis ng gayon ding parusa ay baka
akalain nilang ikaw ay katulad ng taong iyang lubhang matalino;
kaya, hindi, hindi iyan ang dapat iparusa sa iyo. Ikaw ba'y ga-
gawin kong kimaw at pipi? Iyan sana ang pinakamagaling na pa-
rusa, datapuwa't baka naman akalain ng iyong mga kapatid na
ang gayo'y isang pagsubok na ipinadala sa iyo ng Diyos ...:::
hindi, hindi mo ako masisilo ngayon. Ano nga ba ang nararapat
kong gawin sa iyo?

—A, alam ko na, ang kanyang idinugtong pagkatapos na
makapagdili-dili. —Masusumpungan mo ang iyong parusa sa iyong
kasalanan. Heto ang parusa ko sa iyo: Sa buong buhay mo'y
wala kang ibang sasabihin o isusulat liban sa kahangalan, upang

90