Page:Panukala sa pagkakana nang Repúblika nang Pilipinas ... (microform) (IA ask0429.0001.001.umich.edu).pdf/31

This page has been proofread.
—32—


alin mang paghahalal ay ang bumutos sa caniyang
sarili ay maaalisan nang botos.

Cun matapos ang pilian ay bibilangin nang
Puno at ng manga tagapagsiyasat ang manga botos
at itititic ng Cagauad sa casulatan ang ano mang
mangyari. At can mayari na ang casulatan ay ba-
basahin ng malacas nito ring cagauad at cun ua-
lang bumati at tumotol ó pag naítitic ang ano
mang ipacli, ay pagpipirmahanan nang manga ca-
harap cun afig pinili ay manga catiuala, at cum
matanda ang manga nahalal ay ang pipilma ay
ang manga casangcap sa Tribunal lamang.

At lulutasin ang pulong pag nabiguian ang mĝa
nahalal ng tig-isang salin ng casulatang guinaua,
aa may pilma nang Tribunal sa bauat salin, at
matitira ang sinalinan sa Archibo ó Tagoan nang
manga casulatan nang bayan.

35. —Upang malala! ang sino man namamayan
quinacailangang malicom uiya ang mahiguit sa ca-
lahati ng manga botos,

Ang mga may carapatan cahit ano ang catung-
culang hinahauacan ay di macapagtataglay nang
lalabis sa isang botos, at ang mga taga pag usisa
at cagauad ang huling pipili sa lahat.

Ang Punong nanğuğuna sa paghahalal ay di bo-
botos; nguni't pagnayca patas ay maiquiquiling
niya ang caniyang pasiya upang macahiguit ang
caniyang magalingin.

Hindi maaaring maquisalamula sa pulong ang
sino mang magbitbit nang sandata.

36. —Sa unang lingo ng buan ng Noviembre ay
mangagtitipon sa loob ng cabayanan ang mga ca-
tiuala ng bauat bayan na dala ang mga saling
magpapaquilala nang canilang hauac na capangya-
rihan, upang maihalal ang mga Tagatayong nauucol
sa cabayanan.