Page:Panukala sa pagkakana nang Repúblika nang Pilipinas ... (microform) (IA ask0429.0001.001.umich.edu).pdf/33

This page has been proofread.
—34—


capag nabiguian nang tig-isang salin ang manga
nahalal, na pipilmahan nang Puno, nang manga
tagapagsiyasat at ng Kagauad.

Sa Kapulungan nang mga matandá cun ihalal ang
mga catiuala ay ang pagsisiyasat ng mga salin ay
gagauin sa oras ding yaon ng Tribunal, capag naipa-
basa ang mga salin ng tagapagsiyasat at Kagauad
na nahugot, Cun batiin at paualang halaga ang
salin ng alin man sa nahugot na ito ay hahala-
ngan ng ibang pagcaisahan ng caramihan.

38. —Cun mamatay o di macacaya ang alin man
sa mga Tagatayo ay dadayo at haharap sa Kapi-
sanan ang mga nagcaroon ng mababang bilang ng
botos sa mga napili, cun umabot sa mahiguit sa
calahati at cun hindi ay mag gagaua ng bagong
paghahala sa paraang nasabi na.

39. —Ang catungculan ng Tagatayo ay di ma-
lalangcapan ng iba pang catungculan ano man ang
uri at bagay. at hindi macahahauac noon ang may-
tangang capangyarihang magparusa sa tauong bayan
sa loob ng cabayanang pinag gauan ng paghahalal.

Ang mga Tagatayo'y hindi muling mahahalal
cundi mahalinhan muna at macaraan ang caniyang
capanahunan.

40. —Ang baua't Tagatayo'y may catungculang
manĝalaga sa mğa catuirang quiniquilala nitong Pa-
nucala sa mga namamayan at magsigasig ng ica-
guiguinhauan Republica at n cabayanang ca-
niyang tinatayuan.

41. —Upang matambingan ang capagalan ng
Tagatayo ay tatalagahan sila ng canieanilang ca-
bayanan nang catampatang upa sa caniyang Pre-
supuesto Tandaan nang magugugol at nang pag-
cucunan nang gugugulio.
42. —Sino ma'y di macatatangui sa catungculang
Tagatayó, Catiuala ó matanda man, sa pagca't ito'y