Page:Panukala sa pagkakana nang Repúblika nang Pilipinas ... (microform) (IA ask0429.0001.001.umich.edu).pdf/39

This page has been proofread.
—40—


gasig sa icasusulong ng pagtuturo sa bayan at
ng gaua sa lupa, pauang camay at gauang mag-
calacal, pati ng mga daong na calacalan at pang-
digma, caya't pag-aaralan ang malayong inabot
ng mga iba't ibang lupa tungcol sa mga bagay na
ito at iba pang icagagaling ng República, ihaha-<
mong sa Presidente ang pagpapasoc dito ng ma-
nga cagagauang hindi pa natatahacan ngunit na-
pagquilalang mabuti, cucupcupin ang mga tangi sa
caramihan dahil sa talas ng isip at sa mga natu-
clasang icagagaling ng lahat at pasisiglahin ang
loob ng tauo sa pagtatayo ng mga samahan at
pagpapaquitaan ng canicanilang gauang. carunu-
ngan paris ng mga peria at exposición at sa pag-
bubucas ng mabibilis va daan ng pagcacaabutan ng
mga iba't ibang bayan sa pamamagitan ng manga
limbagang marunong magpahatid tungcol cabaitan
at catotohanan, palibhasa'y di nasosopalpalan nang
casaquiman at cadayaan.

54. —Mga Apo na tatayo sa Tanungan (Senador)
at magbibibig sa canicanilang casamahan ang ma-
nga General at Almiranteng casalucuyang nagli-
lincod; ang Rector namamahala sa bucal ng ca-
runungan (Cniversidad Central) at ng mga Sanayang
(Academia) itayo ucol sa alin man sangá ng dunong
at alám; ang mga Decano ng mga Sindicatong itayo
ng mga humahauac rang iisang hanap-buhay; at
ang mga Director ng mga bahay na natatalaga sa
pagcacaauang gaua sa tauto, na pinangangasiuaan
ng Pamunoan.

Ang mga nasabing Rector ng mga Sanayan ga-
yon din ang mga Decano at Director ay hindi
macatatayong Apo, cundi nila hingin sa Kapisanan
na sila'y biguian ng capangyarihang ito sa pagca't
ang canicanilang pinamamahalaan ay nacatutulong
ng malaqui sa cagalingan ng lahat.