Page:Panukala sa pagkakana nang Repúblika nang Pilipinas ... (microform) (IA ask0429.0001.001.umich.edu).pdf/41

This page has been proofread.
—42—


at mga Kagauad. Ang ibang Apo ay di tatangap
ng ano mang upa, nguni't hindi magbabayad ng
ano mang ambagan habang humahauac nang Ka-
tungculan.

60. —Sa pamula ng Tanungan at sa baua't taon
ng paghahalili ay ito'y bubucsan ng Presidente
ng República at gagauin ang mga pag hahandang
nabibilin sa núm. 15, na ualang maiiba cundi ang
bilang ng mga Kagawad na mababauasan at ma-
dadagdagan ng Pamunoan alinsunod sa dami ng
gagauin.

61. —Ang lugal na pinagpupulungan ng Tanungan
ay lubhang cagalangalang para rin ng sa Kapisanan
at ang mga Apo ay di mapaquiquialaman sa ca-
nilang mga caisipan gaya ng mga Tagatayó.

62. —Ang mga pulong ng Tanungan ay hayag
din at upang nagcaroon bg bagsic ang caniyang
mga tadhana ay cailangang maharap ang dalawang
icatlong bahagui man lamang ng mga Apo.

Ang Presidente, ang Pangalauang Presidente at
ang mga Kagauad ay di macaliliban sa ano mang
dahilan ngunit ang mga ibang Apo ay macapag-
habalihalili ng pagliban cun may pahintulot ang
Tanungan, matiran lamang na palagui ng dalauang
icatlong bahagul. Sa panahon ug cahigpitan al ca-
hirapan ay walang macalijiban.

63. —Ang Tanunga'y didingiguing palagui nang
Presidente na parang Sangunian sa lahat na bagay
na malaquing halaga at mabigat, ngunit ang mga
casagutan noo'y hindi macapipilit dito. Gayon may
cun ang ano mang tadhana ay pagcaisahang ma-
caitlo sa iba't ibang panahon ay cailangang icuhang
sanguni sa Kapisanan upang pasiyahin cun dapat
magcaroon ng bagsic ng caulusan.

Macapaghaharap din naman ng ano mang pa-
nucala tungcol sa cautusan; ngunit ito'y gagauing