Page:Panukala sa pagkakana nang Repúblika nang Pilipinas ... (microform) (IA ask0429.0001.001.umich.edu).pdf/44

This page has been proofread.
—45—


say na pag gugol sa salapi ng bayan, ihabla ang
mga sumira noon at gauain ang canicanilang Pre-
supuesto o Kuruan nang magugugol.

Pangangalagaan din naman nang mga Sangu-
niang cabayanan na sa bauat cabayanan ay mag-
caroon man lamang nang isang Colegio ó Aralán
na magturo nang mataas na aral at nang isang
limbagan, hindi lamang upang maquilala ng lahat
ang mga pacaná nang napupunoan, cundi naman
upang macalat sa paraang itong mabisa ang pag-
cabucas nang isip at iba pang pagcaquilalang pa-
quiquinabangan sa sariling pamumuhay ng mga
tauo at cagalingan nang lahat.

71.-Ang mĝa Kasanguni sa cabayanan ay may
catungculang magpaaninao at maghamong sa Pa-
munoang cabayanan ng lahat na mga pacanang
nahihingui sa caguinhauahan ng cabayanan; ma.
quialam sa ngalan nito sa pamamahala ng salapi
ng bayan; at magtangcacal sa mga duc-ha at di
macacaya sa canilang mga usap sa Pamunoan.

Ang mga Kasanguning bayan ay magcacaroon
ng mga ganito ring catungculan sa canilang qui-
maalag-yang bayan at mag hahalal ng isa sa canila
ng ualang quiquilingan ang sino man.

ICAANIM NA CASAYSAYANTungcol sa Presi-

dente ng República at cuniyang pamunuan.

72. —Ang Presidente at Pangalauang. Presidente
ng República ay ihahalal ng mga cabilugan nang
mga katiuala sa baua't cabayanan cahalintulad ng
paghahalal sa mga Tagatayo; ngunit maquiqui-
alam sa paghahalal bucod sa Punong cabayanan