Page:Panukala sa pagkakana nang Repúblika nang Pilipinas ... (microform) (IA ask0429.0001.001.umich.edu).pdf/45

This page has been proofread.
—46—


na pinaca Presidente ang mga Pintacasi ng Repú-
blica sa bauat cabayanan na mga taga pagsiyasat
casama ng mga inihalal ng mga catiuala, na siyang
mangangalaga upang ang paghahalal ay madaos
ayon sa ipinaguutos.

Ang Puno at ang mga Pintacasi ay hindi ma-
cabobotos; nguni't susugpuing mahigpit ang su-
hulan at daya sa butusan.

73. —Ang mga tunay na casulatan ng paghahalal
sa bauat cabayanan ay ipadadalá ng Puno sa Ta-
nungan at ang matitirá sa archivo ng cabayanan
ay isang saling pinilmahan ng naturang Puno,
ng mga Pintacasi at iba pang tagapagsiyasat.

Capag natangap ng Tanungan ang mga casulatan
sa paghahalal ng lahat na cabayanan ay magpa-
-pasabi sa Kapisanan sa Laguing Paniualaan cun
nasasará, at ito'y magsusugo ng tatlo catauong
tagapagsiyasat na maqui-alam sa pagbibilang ng
botos.

Cun ualang macalicom ng botos ng dalauang
icatlong bahagui man lamang ng lahat na kati-
uala sa mga cabayanan ay uulitin ang paghahalal,
nguni't ang pag bubutusan ay ang mga nacalicom
ng lalong maraming botos hangan sa tatlo man
lamang.

74. —Ang Pangalauang Presidente ay ang maca-
licom ng mahiguit sa calahati ng botos at siya ang
hahalang sa Presidcute, cun ito'y mamatay o mag-
caroon ng tunay na capansanan bago matagpos
ang capanahunan na limang taon.

Habang hindi siya humahalang ay di macaga-
gainit ng ano mang capangyariban ucol sa caniyang
sariling eatungculan; nguni't paghalang ay mali-
lipat sa caniya ang boong capangyarihan ng Pre-
sidente.

75. —Ang mahalal na Presidente ay ihaharap sa