Page:Panukala sa pagkakana nang Repúblika nang Pilipinas ... (microform) (IA ask0429.0001.001.umich.edu).pdf/46

This page has been proofread.
—47—


Kapisanan ng hahalinhan at ng Presidente ng Ta-
nungan, at cun malagay na sa talagang luclucan
ng Presidente ng Kapisanan ay babasahin ang ca-
niyang calatas sa pagbati at dito'y ipangangaco
sa mahigpit na panghahauac sa sariling dangal at ca-
purihan na pagpipilitan niya sa boong macacaya ang
caguinhauan ng bayan at mag bibigay nang halim-
baua sa lahat sa pagyuco at pag galang sa mga cau-
tusan sa pagbabangon at iba pang bagaybagay.

Pagcatapos ng pagbasa ay igagauad ng Presi-
denteng hahalinhan ang mga saguisag na pagcaca-
quilanlan nitong mataas na catungculan, at qui-
quilanling hauac na niya ang boong capangyarihan.

76. —Ang Presidente ay siyang pinaca catauan
ñîg bayan, caya't siya'y dapat igalang at huag
pagpahamacan at di mabibiguiang usap habang di
naa-alisán nang catungculan.

Ang Presidente ay hindi iba cundi ang capatid
at caibigan ng lahat na taga Pilipinas, at caya la-
mang mauiuicaug siya'y nacalalalo ay sa pagca't
siya ang dapat mauğuna sa pagpapasunod nang
ugaling maganda at mahusay at sa cabutihan nang
gaua sa bayau.

Utang niya sa caniyang sariling dangal at sa Dios
ang mag taglay ng isang ngaling ualang ipipintas,
upang mapapurihan niya ang caniyang bayan sa
harap ng mga taga ibang lupa, at mag bigay sa
caniyang mga cababayan ng halimbaua ng cabaitan
at casipagan.

77. —Siya ang quiuabobooan ng capangyarihang
magpasunod sa mga cautusan at nalalaganapan ng
capangyarihang ito ang lahat na bagay na quina-
cailangan ng cahusayan sa loob ng bacuran pang
República at sa icapapanatag sa labas, ayon sa
ibinibilin ng mga cautusan sa pagbabangon at sa
iba pang bagay.