Page:Panukala sa pagkakana nang Repúblika nang Pilipinas ... (microform) (IA ask0429.0001.001.umich.edu).pdf/62

This page has been proofread.
-63-

121. Sa calooban ng República at sa mga ba-
yang malalaqui at daldalan ng sarisaring tano ay
maglalagay ng isang casamahan ng mga Polisonte,
at ang macapa pasoc dito ay ang mga tauong may
pinagaralan at quilalang may iningal na dangal at
Luga ang pamumuhay, na mauauangis sa Comisa-
rio sa caupahan ut catayuan.

Ang mga nasabing Polisonte ang siyang manga-
ngalaga sa bayan at tutulungan ng lacás na ibi-
gay sa canila ng Comisario sa paghuhusay, at ma-
lalagay para rin nitong Comisario sa ilalim ng ca-
pangyarihan ng isang Prepecto na babayaran at
quiquilanling parang isang Capitan ng Hocho.

122. Pipilitin na sa focbong cati at Hocbong
dagat at sa mga Paugalagaan ay tingnan ng inga
Puno ang canilang nasasacop na parang tunay na
anac, caya susugpuin ng ualang aua hindi lamang
ang paglabag sa Puno cundi naman ang masamang
pasunod sa mga sacop.

123. Sa panahon ng digma ay papapagsandatahin
ang mga lalaquing walang asaua mula sa dalauangpu
at isang taon hangan limangpu, al cun di pa mag-
casiya ito ay tatauaguin ang mga uala ring asaua
mula sa labing ualo.

ICASAMPUNG CASAYSAYAN.Tungcol sa pag-

tuturo sa bayan.

124. Ang pagtuturo sa bayan ay magcacaroon
ng tatlong pagtang: una simulang aral; icalaua ma-
taas na aral; icatló mğa carunungan.
Sa simulang aral ay ituturo ang pagbasa, pag-
sasalita at pagsulat ng mahusay nang uicang tagalog
na siyang uicang bayan (idioma oficial), at camun-