Page:Panukala sa pagkakana nang Repúblika nang Pilipinas ... (microform) (IA ask0429.0001.001.umich.edu).pdf/63

This page has been validated.


— 64 —


ning pagcaaninao uicang inglés, pagbilang at ng mga quinauuculan ng sarisaring bagay na naquiquita sa ibabao ng lupa (Ciencias exactas, fisicas y naturales), at pupunan ng camunting pagcaquilala ng catungculan ng tauo at ng namamayan,

Sa mataas na aral ituturo ang dalauang sunduan (curso) ng uicang inglés at dalaua ring sunduan ng uicang francés na isasalit sa mga iba't ibang sunduan ng mga sipi ng nabanguil na carunungan at iba pang nauucol sa caugalian at pamamahala sa bayan (Ciencias morales y políticas), at ng mga pasimula ng pag gaus ng mga libro at pagsulat sa mga limbagan at ng mga gauang carictan (principios de literatura y bellas artes).

Sa mga carunungan ituturo ang malaqui at ganap na pagcaquilala ng iba't ibang sangá na nasasago ng talas ng isip at talas ng camay. Sa carunungan ng pilosopia at panunulat ay malalaquip ang pagtuturo ng uicang latin at griego.

125. Sa bauat baya'y magcacaroon ng isang aralan ng bayan, at dito'y naçapapasoc ng ua'ang upa ang mga batang lalaqui at babayi na ibig macataróc ng simulang aral, at ito'y pangangasi uaan ng Sanguniang bayan na siya ring magpapalagay ng mga Maestrong catulong sa baua't nayon.

Sa bauat cabayanan na may calaquihan ay pipiliting macapaglagay ng isang Colegio na pagtuta. ruan ng nataas na aral, at sa bauat bayang pinacamalaqui at mainam sa lahat ay magtatayo ng isang Alulod ng carunungan (Universidad).

Sa calooban ng República ay maglalagay ng bu cal ng carunungan (Universidad Central) at dito at sa malalaquing bayan ay maglalagay din naman ng mga Sanayán (Academias y Conservatorios) sa ibat ibang sanga ng carunngan, gauang carictán at tálas sa hanap-buhay; casiping naman dito ang mğa