Page:Salita at buhay na pinagdaanan ni Sigesmundo at ng duquesa Policena.pdf/10

This page has been proofread.


—7—

Ani Sigesmundo uala sa matouid
na icao ay pilitin sa hindi mo ibig
caya mag-ingat ca itong aquing caliz
siyang magliligtas sa iyo sa panganib.

Isinusumpa co hangang may hininga
pangaco cong tunay sa iyo Policena
di ca lilimutin saca ang isa pa
ipagsasacdal co sa mahal na Reina.

Dahilan sa atin na pinag-usapan
siya,i, ang bahalang dapat na maghusay
sucat hangang dito aco ay paalam
nang matalastas mo ang casasapitan.

Duquesa,i, naiuan saca lumacad na
itong Sigesmundo nagtuloy sa Reina
at saca sinabi bagay na lahat na
pag-ibig na tunay sa cay. Policena.

Lahat na nangyaring manga cabagayan
dahil cay Peleno at sa amang mahal
sintang nagcaisa ang ibig ay laguian
nang icasisira sa pag-iibigan.

Reina,i, nagdalang habag ng ito,i, marinig
Sigesmundong bunso houag cang mahapis
tibayan ang loob maglouag nang dibdib
aco ang bahalang sa Hari mamanhic.

Caya,t, ang loob moi, itahimic muna
magsasabi aco sa Hari mong ama
marinig ang gayon nanaog pagdaca
itong Sigesmundo sabihin ang saya.

Napa sa Palacio ibig na maalaman
sa amat, sa Reina ang pag-uusapan
nang umaquiat na,i, natagpo-tagpuan
yaong Embajador na lilo,t, sucaban.