Page:Salita at buhay na pinagdaanan ni Sigesmundo at ng duquesa Policena.pdf/11

This page has been proofread.


—8—

Ani Sigesmundo houag cang pumasoc
na magpatuluyan antain mo ang utos
nang ama cong Hari ang moro,i, sumagot
houag sansalain uala acong tacot.

Urong Sigesmundo uica ni Peleno
aco,i, pabayaan mo sa sucab na moro
manga bunsong guilio anang Hari ito
houag magcagayon ang bahala,i, aco.

Na sa Embajada di dapat umayop
na lapastanganin at uala sa utos
hayaang magsalita moro,i, cun matapos
icao Sigesmundo ang siyang sumagot.

Cun gayon Eleno anang Embajada
ay iyong paquingan aco,i, itinalaga
humarap sa inyo utos nang Monarca
niyong gran Sultán quilabot sa Guerra.

Buis cun baquit hindi tinutupad
panaboi, lampas na nang di pagbabayad
isa pa sa roon sa puhunang hirap
naming manga campon babayarang lahat.

Guinugol na pilac at manga cacanin
di yuyutang turco ang casama namin
hirap sa paglacad at manga baybain
ang lahat nang yaon ay babayaran mo rin.

Caya,t, ang Reino nang hindi maualat
sundin mo ang buis tuparin mong agad
at nang hindi cayo malubog sa hirap
na mapanganyayang sa Troya,i, matulad.

Ani Sigesmundo umalis ca tacsil
dito sa Palacio nang di mo marating
yaong elemento at icao higupin
na ilipad nila sa hinpapauirin.